Anu ano mga ginawa nyo nung alam nyong manganganak na kayo mga mommies?
Hi mommies, excited na kasi ako kaya piniprepare ko na sarili ko. 2 weeks na lang kasi pwede na lumabas si baby. Anu ano mga ginawa nyo nung naramdaman nyong manganganak na kayo? Ayoko kasi magpanic. Nakaready na din naman gamit namin. Medyo worried lang kasi ko sa layo ng hospital samin, mga 30mins ang byahe. Di naman siguro ako aanak kagad nun pag pumutok panubigan? 😅 Tapos mommy, nakaligo at nakapag ayos pa ba kayo ng time na yun? Anung suot nyo pagpunta sa ospital? Need ba nakaadult diaper na or kahit napkin lang para di lang magdumi upuan ng sasakyan? Haha. Sorry yan kasi mga naiisip ko kung pano gagawin pag dumating na yung oras na aanak na ko. Please pashare naman po ng stories ng mga nanganak na mommies na dito. Thank you. ❤️❤️❤️#1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy #firstbaby