HEEEELPPPP!! 40 weeks and 3 days, no labor signs.

Mommies, bakit ganto? 37 weeks palang masakit na pelvic bone ko po. Ramdam ko na ung pagbuka ng pempem ko. Pero eto, mag-40 weeks na, hindi parin nanganganak, naglalakad lakad, squats, akyat baba ng hagdan, zumba for pregnant women, nakikipag-do kay mister, raspberry leaf tea, salabat, pineapple fruit, at pineapple fruit na pero no signs of labor padin huhu bakit kaya gantoooooooo? 😭😭😭 Close cervix parin daw, nung last check up ko. Naninigas nigas lang ung tyan ko palagi. #firstbaby #pregnancy #1stimemom #pleasehelp #advicepls

HEEEELPPPP!! 40 weeks and 3 days, no labor signs.
153 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako rin po, week 39 & 3 days. sabi po last time ng OB ko wag mag worry kasi usually satin mga 1st time moms, umaabot talaga tayo ng week 40 bago manganak. Relax lang mommies! Enjoy the moment. Ngayon nga at malapit na due date ko (april 23), parang gaan ng pakiramdam ko, unlike before na masakit singit, paa - siguro pinagrerest ako ni baby para kapag talagang labor na, may lakas ako. Basta make sure lang daw po na nag ccontract si baby & continue lang yung ginagawa natin na lakad, squat & all. Good luck po satin! Prayers for all of us, team April. 🤍

Đọc thêm
4y trước

Bukas na po ba cervix nyo?

Nung nag 37 weeks na ako pinag evening primrose oil na ako ni doc kasi full term na pero pag IE nya sakin floating padin si baby. Exactly 39th week namin ni baby pumutok water ko. Di pa open cervix ko. Ininduce ko twice. After 12 hrs of labor nag open na cervix ko. Alam mo momsh, may nabasa ako sa isang page ng isang OB sa fb. When it is time, it is time. Pag gusto nang lumabas ni baby, sya na kusa gagawa ng way para lumabas. Basta pa check ka lang regularly sa OB mo. ☺️

Đọc thêm
4y trước

Nakaopen na po ba cervix mo mommy?

Ganyan din ako mommy..At 39 weeks close cervix pa din nagkataon pumotuk na panubigan ko kaya dinala na ako sa hospital.Pag I.E sa akin ng Ob ko close cervix pa din kaya nag Induce labor na ako sobrang sakit talaga ng induce nag insert pa nga ng Primrose..Na stock ako sa 5 cm at namaga na ang cervix ko kaya na Emergency CS ako..

Đọc thêm
4y trước

Noted po mommy. Salamat po.

magpa confine ka na momshie ganyan na ganyan ako pero ang sakin unang lumabas ang panubigan pero no sign of labor pinainom ako ng primrose sa hospital kasi need na lumabas ni baby mauubos na panubigan ko 😢 pero nailabas ko ng safe si baby at normal ☺️ tutulungan ka sa hospital basta sabihin mo kailangan normal ka

Đọc thêm
4y trước

go lang mga momshie kaya nyo yan ☺️ kahit anong mangyari lagi lang magdasal wag makakalimot ☺️ sana ligtas kayong makapanganak ❤️ goodluck mga momshie

punta kana sa hospital sis may ipapainum n sau pangpabusog o pang pahilab ganyan kc Ako..Alan ng doctor yan..due date KO kc Nov.6 pero nglabas na water KO s pem2x. Peri no sign parin walang masakit walang Hi lab ng tiyan..pero ng paconfine n Ako..kaya tinurukan n Ako ng pngpahilab after 6hours nanganak n Ako..thanks god

Đọc thêm
4y trước

Wala pa namang water na lumalabas sakin mommy. Nearing due date palang po.

Thành viên VIP

Ganyan din po sa akin nun 42weeks na no sign of labor parin tapos stock lang sya sa 2cm, binigyan po ako ng primrose ng ob ko 3x aday ko syang ininom kinabukasan lang 10pm naglalabor nako lumabas sya 4:19 normal delivery po😇 Think positive lang po mommy mailalabas mopo yan ng safe si baby goodluck po💗🙏

Đọc thêm
4y trước

Sana po magdecide na talaga si baby na tonight na siya lumabas, nakaka 5 banig na ako ng primrose oil, wala padin 🤦

magpaultrasound ka mommy or pacheck up k po sa ob mo, bka po magaya ka sakin na nagleak lng yung panubigan pero no labor sign, hanggang sa kumonte nlng yung tubig ni baby sa loob ng tyan ko kaya ako na ECS. nakakain nadin baby ko ng popoo nya, kase konti nlng panubigan ko.

4y trước

buti naman mommy, im praying for your safe and fast delivery😊

Thành viên VIP

kalma lng sis,,lalabas dn yan c baby sa tamang oras nya..ako nga nagpacheckup close cervix pa daw ako at masyadong mtaas pa ang tyan ko..medyo mtgal pa dw..pero kinabukasan nagising nlng ako n sumskit tyan ko. mangangank n pla ako .😊 Pray lng mkaakraos dn kau ni baby❤️

Same problem here, april14 due ko pero hanggang ngayon ndi pa ako nanganganak worry lang ako kase baka magpoop na si baby sa tiyan, wag naman sana.. May saket na akong nararamdaman pero ndi siya natutuloy, saglitan lang ang saket.. Sana maging ok lang at manganak narin ako..

4y trước

Ano po advise ng OB nyo mommy?

Thành viên VIP

Sa March 27 EDD ko sa TAP. Hindi sya lumabas. March 30 EDD ko sa private doctor ko , kaso liit na daw ng tubig sa tyan at 3cm palang ako , wala akong magawa kundi magpa induced nlng, recommended by my private doctor. Exactly march 30 lumabas baby ko ❤️

4y trước

yes normal. 3kg