HEEEELPPPP!! 40 weeks and 3 days, no labor signs.
Mommies, bakit ganto? 37 weeks palang masakit na pelvic bone ko po. Ramdam ko na ung pagbuka ng pempem ko. Pero eto, mag-40 weeks na, hindi parin nanganganak, naglalakad lakad, squats, akyat baba ng hagdan, zumba for pregnant women, nakikipag-do kay mister, raspberry leaf tea, salabat, pineapple fruit, at pineapple fruit na pero no signs of labor padin huhu bakit kaya gantoooooooo? 😭😭😭 Close cervix parin daw, nung last check up ko. Naninigas nigas lang ung tyan ko palagi. #firstbaby #pregnancy #1stimemom #pleasehelp #advicepls
same here mommy . 2days from now 40 weeks ko na din, still no sign of labor . expire na din swab test ko bukas , ang mahal pa man din magpa swab .. hayyyy .. na try ko na din mga ginawa mo , masakit na rin legs ko kakasquat pero wala pa rin 😭
+/-5days po ata +/-7days sa EDD mo base sa ultrasound mamsh. malay mo bukas lalabas na si baby ☺️ be positive lang po and follow lng kung ano advise ng ob mo. kausapin mo din lagi si baby. prayers for you and your baby mamsh. God bless ❤️
Thank you mommy. Tom po follow up check up ko, sana magdecide na si baby lumabas tonight. hehe 😅
Ganyan din ako mamsh. Nung tumongtong nang 40 weeks dina mapakali. Due ko dati Feb 6 dun rin sumakit ang tiyan ko. Di mo kase mapapadali c baby lumabas pag ayaw pa niya talaga. Hinantay ko na Lang talaga at di Lang magpapa stress. 😊
Wag mawalan nang pag. Asa momsh. 😊
bili ka primrose lagay mo sa pempem mo mamsh 3x a day 2piraso pwede naman bumili nun kahit walang reseta pampalambot ng cervix yun tas sabayan mo ng pineapple juice .. Ako 37 weeks and 1day nanganak nako ganun lang po ginawa ko 😊
basain mo muna ng tubig bago sya ilagay sis
ganyan din ako mommy overdue nako nastock ako sa 3cm iniduced labor ako pabugso2 lang ang hilab.. after 24hrs na ininduced na Emergency CS ako after that nlman ko dpal tlaga kaya normal delivery kasi nakatabingi ang ulo ni baby
Hala, hindi nakita sa ultrasound ung ulo ni baby, mommy?
wag po masyado magpagod at mastress siguro po walking lang sa morning pwede na..reserve mo energy mo momsh sa delivery mo..wag po masyado mastress..😊samahan niyo din po prayers..have a safe delivery po..
Opo mommy. Thank you poooo.
momshie dapat paggagamit ka nun, sa time na matutulog ka na. para di mahulog. tas todo squat ka dapat momshie, kahit na napapagod ka na tuloy pa din.. yan naman ang pinagamit naman sa akin ng OB ko.
momshie try mo din regular squats, i know mahirap i've been there.. ang ginagawa ko nung 39 weeks ako panay squat, hubby is helping me sa pagsquat kahit pagod na ako sasabihin nya kaya mo pa increase mo ung squat mo per session mo ng 5counts.. then pagnagsquat ka mommy tagalan mo ung pagsquat mo bago katumayo nakakatulong yun, ganun ginawa ko actually 3 nights ko lang ginamit yan med na yan, lumabas na si baby.. dapat nga 7 days ginawa ko lang every other day.. tas sa walking mommy ang ginagawa namin ni hubby pinapalibot nya ako sa buong subdivision as in hindi na walking trekking na ang dapat na tawag dun, when I want to rest he will push me harder he will hold my hand sabay sabi nya we can do this together lets go.. tas hindi lang kasi pineapple juice pinapainom ni hubby, herbal sya na gamit ang balat ng pineapple, ginger at bawang with honey pinapakuluan nya un ang pineapple juice ko para walang sugar.
Hindi ka po inadvicesan magpa induce ni OB mo? Ako po kasi nung nag due date 1cm lang ako tapos pag ka IE sakin madami lumabas na mucus plug kaya ininduce na po agad ako halos 24 hrs din labor ko.
Opo. Sobrang kabado na po ako now 😭😭 Tinanong ko na po siya about sa pagpapainduce eh. Kaso close cervix pa daw po kasi ako and makapal pa daw po kwelyo ko 😭
Sabi po ng midwife sa akin. Pwede ng manganak kapag 37 week full term na and pwede din naman umabot hanggang 42 weeks. dapat hindi na lalagpas ng 42 week kasi over due na po yun.
Sabi din po sakin ng OB ko till 41 weeks daw po pede kami magwait kaso po natatakot na ako baka mag-pupu na sya 🥺
same here.. 39 weeks and 2 days din ako now.. pero no signs of labor parin.. tsaka feeling ko mataas pa c baby.. pero wag tayo masyado magworry.. pray lang tayo for safe delivery.
buti nga ikaw mamsh nakakatulog ka maayos.. ako kase pahinto hinto eh..