Obimin Plus Vitamins
Hi, mommies ask lang po about this gamot dahil nga sa first time mom ako at ito yung binigay ng OB na gamot. Parang dko kasi sya gusto para akong masusuka pero hindi naman talaga masusuka. Parang feeling ko lang naman. Any experience po about this oblimin plus na nakainum na ng ganto. Gsto ko lang malaman kung anong first try na experience nyo sa gamot na yan. Sana may makasagot :) #pregnancy #1stimemom #1stimemom #firstbaby
Yan din ang reseta saakin na vitamins 2nd up to now 3rd trimester ko na, nag stop ako akala ko pwede na stop hndi pala dapat continuous sya after manganak binalik ko sya kasi yan daw vitamins ni baby, tpos saakin caltrate color pink at hemarate FA. so far effect nia saakin wala naman basta para kay baby un nga lang ung pupu ko nag kulay violet din siya un lang worry ko sa Obimin. Tiis lang para naman kay baby lalo na first baby ☺️
Đọc thêmmalaki kasi yang vitamins na yan.. 😅😅kaya nakakasuka.. hahaha!! pero tiyaga lang (kasi may dalawa ka pang vitamins na iinumin. 🤣🤣).. lahat ng vitamins na ibibigay ng OB mo tiyagain mo lang inumin para makatulong sa pagdevelop ni baby .. ☺️ (si baby nalang isipin mo para di ka masuka. 😊)
Everytime umiinum ako ng obimin nun nagsusuka talaga ako. Kahit anong oras sya inumin talagang sumusuka ako kaya halos 2kls lang na gain ko sa 2nd trimester ko. Yung tipong parang kinakalkal nya yung loob ng tummy ko 🙈😂 suka to the max talaga ako lage momsh
yan din po multivitamins ko nong 1st trimester ko naduduwal tlaga ko dyan minsan naisusuka ko pa malaki kasi mahirap inumin tsaka di ko gusto amoy pero ngayon 2nd trimester ko na keri ko na sya inumin.pampatalino daw po yan ng baby sabi ni doc.
naku me too .sa laki ba naman kasi ng vitamins na yan at ung amoy at nalalasahan pa agad kya nagsusuka din ako minsan ayukona uminom nakakatrauma pero pra sa baby kc ntin yan kya wala tyu mgagawa kundi tyagaan muna habang nsa tummy pa si baby 😊
This is my multivitamins too. Don't worry you're not alone na feeling nasusuka. Better inumin mo sya before bed time yan advice ng OB ko. Pero dapat before bedtime hindi ka busog na busog para di ka masuka.
Yan din vitamins ko during 1st trim ko, okay naman sakin nung una pero nung pa-2nd trim na, pinalitan na rin ng OB ko dahil sa pagsusuka suka ko, nangayayat nga rin ako that time dahil sinusuka ko yan everytime na iniinom ko after meal.
Yan din Bigay sakin Ng ob ko Sobrang nasasarapan Ako nyan, dahil sa amoy, Binigay yan sakin ng ob ko 3 months na tyan ko kaya di na ako nasusuka, Tiisin mo nalang po, para din po yan sa inyo at kay baby mo. ♥️♥️
2nd and 3rd trimester yan ang isa sa mga vitamins ko, 35weeks na ko.maganda daw yan sa brain development ni baby,tiis2 na lang muna para kay baby..o kaya after mo inumin yan mag candy ka or kahit anong matamis.
Yan po nireseta sakin nung 1st trime ko. Halos everyday after an hour pag iniinum ko yan naisusuka ko din. kaya inistop ko po and pinapalitan ko sa ob ko. 😂 basta continuous po ang folic natin.