Kelan nyo naramdaman ang pagsipa ni Baby sa tiyan?

Hi mommies. Ask ko lang sana. Normal lang ba na wala pang mararamdaman na parang pagsipa sa ika 16 weeks? Worried lang kasi ako kung ok pa ba si baby sa tiyan ko. Pero last 14 weeks naman na dinoppler ako ni Doc mabilis heartbeat ni baby nasa 157bpm. Mga ilang weeks po ba natin mararamdaman ang pagsipa nya sa ating mga tyan mommies? Thanks po#1stimemom #pregnancy #firstbaby #advicepls

17 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako po ftm. chubby po kasi ako tska ang placenta ko ay nasa harap (interior) kaya naramdaman ko ung kick ni baby ng 23 weeks. ngayon 29weeks nako mas active sya. ang heart beat nya is 156bpm. its a boy. feeling ko sau boy ren yan. congrats po mami

3y trước

Wow congrats din po. 😍 156bpm, ilang weeks ka nito mommy? Sabi naman ng OB ko baka daw girl. Naexcite naman tuloy ako sa gender. Di ko padin kasi alam ang position ng placenta ko kaya baka nga ganun atsaka masyado pa nga siguro maaga. Salamat sa sagot sis. 😊