Rashes ni baby
Hello mommies Ask ko lang po kong normal sa babies na magkaron ng Rashes 1 month &17 days palang po si baby. Natry ko pong Lagyan ng breastmilk ko as advice ng matatanda samin nawawala naman po sya. pero kapag mainit panahon nagkakaron po sya sa pisngi lng po parati. normal po ba yan . First time mom here. thank you po in advance
Hayaan mo lang sya Moms. Mawawala din yan. May tinatawag kasi dyan ang matatanda dito sa amin "KALAMAYO" daw yan. Pag dating ng 5 mos. Nya magiging malinis na rin skin ni lo😇
try mu iapply ito s face niya safe kahit sa sensitive skin .. all natural ingridients and petrolem free di mainit sa skin at di nakaka dry .. #choosingtgebest
kapag naliligo sya try mo cetaphil.wag mo.ipapahalik at itali mo mabuti ang buhok mo,wag hawak ng hawak sa mukha ng baby kasi yun ang cause nyan
Normal sya for new borns, iwasan lang hawakan or halikan sa face. Kusa syang nawawala ganyan din sa LO ko 1month and 14 days...
pag nawawala bumabalik din sya kapag naeexpose sya sa Heat or pagpawisan lang
Kung makati sis at kung dry face niya mas okay ipa check up mo. Ganyan si lo yung akala naming normal na rashes eczema na pala.
Sige po
Nahahalikan tan lagi mommy. Ako nilalagyan ko ng alcohol nawawala mga rashes nya. Mabilis makagaling ang alcohol.
Sa paghalik po yan nkukuha.. wag nyo po phalikan c baby.. kung kani knino,lalo n sa mukha..
Wag mo sabunin face nya momsh, cotton and water lng gamitin mo pan linis ng face nya
Normal lang yan sa paghalik ata yan pero para mawala yan cetaphil mo po sya sis
Kc nman d mapipigilan halikan Ang baby sarap kc halikan mabango hehhehe
Got a bun in the oven