Pananakit ng daliri
Hi mommies! Ask ko lang if na-experience niyo po yung pananakit ng daliri (middle finger) every time na gigising ka parang hindi mo maigalaw o maitupi yung finger mo. 😩 Yun lang talaga yung masakit the rest ay namamanhid lang everytime na gigising ako.
NORMAL LANG SA BUNTIS YAN. KASI NAG LOLOOSE MGA LIGAMENTS. PERO THE REST OF THE DAY MAGAGALAW MO NAMAN YAN. SA MORNING LANG YAN STIFF. AKO RIN GANYAN, HIRAP MAKA GRIP. LALO NA PAG NASA 3RD TRIMESTER KA NA. MINSAN PARANG MAY KURYENTE PA KAYA MADALAS AKO MAKABITAW NG GAMIT NA HAWAK KO.
sakin po namamanhid lage kamay ko pag natutulog, b-complex lang dinagdag sa vitamins ko mie..pero better to consult parin your OB kasi minsan iba iba case natin baka may ipa lab test sayo to rule out any other problems..
If 3rd tri ka nai, normal naman po yan. ganyan din ako nun by 31 weeks nagstart.. pagkagising sa umaga siak nyo lsng po sa war water then exercise lang po. mas malala pa yung ganyan ko after manganak..
mii mas okay mag consult ka na po sa OB mo now kasi hindi po normal yang pananakit at pamamanhid. Baka irequest ka ng laboratory nyan para macheck yung dugo and sugar mo
Same at 3rd tri. Prone ang buntis sa carpal tunnel too so normal na parang stiff mga daliri pagkagising. Pero as you move it, medyo nagloloosen up naman.
Hi Mommy, this article might help: https://ph.theasianparent.com/carpal-tunnel-syndrome-in-pregnancy/amp Pero better rin po to consult with your OB.
yes mi, ako nga dati laht ng daliri pa lalo na nung araw bago ko manganak d ko matupi daliri ko hehe 😅 hanggang sa manganak ka ganyan hehe
Sakin mi niresetahan ako ng Aspirin possible kasi na sign sya ng early eclamsia, better ask your OB ara sigurado
Yes po ,I am 36 weeks and 6 days , masakit mga kamay ko every morning pero nawawala naman sya 🥹
same mi ganyan ako lagi parang ngalay na ngalay mga daliri ko e natulog lang naman ako🤦