About MIL

Hi mommies, ask ko lang how would you react if sobrang entitled si MIL sa anak mo like kahit kalaro ko si baby or buhat2x ko, kukunin niya lang and dalhin ni MIL sa kwarto niya without asking permission sakin. I am that kind of mother na ayaw kong di ko makita si baby while hawak ng ibang tao aside from my husband. Di ako mapanatag pag di ko makita si baby na hawak ng iba. Nasa 2nd floor kasi kwarto ni MIL and di ko din bet na sundan siya sa kwarto niya. May trust issue na kasi ako kay MIL kasi pina inom niya si baby ng water at 2 months old kahit nabanggit ko na sa kanya na bawal pa painumin ng water. Napansin ko din na pag hawak niya si baby, kahit ano nalang ibibigay kay baby na laruan na di dapat para sa mga baby para lang malibang eh may ugali si baby na pag ano hawak niya isubo agad. At saka binababad niya si baby sa youtube para maaliw. Di ko maconfront kasi baka masamain na naman ako. One time kasi may pinost ako sa fb about paano iwasan ang virus para sa mga baby pero minasama niya eh di naman yun para sa kanya yung post ko. For general awareness yung post ko pero todo react siya. Kahit ano na pinagsasabi. Kay husband siya chat ng chat about dun sa post ko. Ang hirap lang kasi dito kami nakatira sa bahay nila husband kaya nahirapan talaga ako. Pinamukha pa niya sakin na dede lang daw habol ng anak ko sakin. Tuwang-tuwa pa siya pag minsan ayaw muna magpabuhat yung baby ko sakin, yun pala gusto niya sa kanya lang magpapabuhat. Di ko din nagustohan yung bigla lang siyang papasok sa kwarto namin kahit closed yung door namin para lang kunin yung anak ko lalo na pag naiyak. Parang pinamukha niya sakin na di ko kayang patahanin si baby. Hands-on ako kay baby from the start kaya alam ko kung ano gusto ng baby ko pero lage siya mag interfere. Gusto kong disiplinahin anak ko the way na gusto ko pero si MIL nakikialam. Parang ako tuloy yung kontrabida. Kakainis na minsan. Nitong kasagsagan ng paglaganap ng virus, kahit galing siya sa labas hawak ng hawak kay baby, minsan binubuhat pa. Para akong baldado dito kasi di ko siya masabihan na bawal. Gusto kung wala munang ibang humawak kay baby dahil sa virus kaso si MIL mapilit. Sasabihan pa kami na OA, maarte, ano yang anak niyo gold?? Diba, kakainis lang. Di man lang marunong umintindi. Di ako stress sa pag-aalaga kay baby, dun ako na stress sa MIL ko. Help me mommies😢

4 Các câu trả lời

That's why hate ko makitira. Ayoko yungbfeeling na di ko magawa gusto ko, di ko hawak buhay/araw ko. Nkakastress makisama palagi, yung kailangan ka may gawin oara wala silang masabi sayo. Hirap mag please ng tao everyday! Kaya ako sayu, talk to your husband about living on your own para naman makatayo kayu sa sarili nyong mga paa.

VIP Member

Hello. MIL ko naman overprotective, to the point na hindi pinapahawak sa husband ko yung anak namin nung bagong panganak 🤦🏻‍♀️🤣 Ewan ko ba 🤷🏻‍♀️ Sabihin mo sa husband mo at hayaan mo husband mo ang mag handle sa mama niya.

Need niyo n bumukod. Un lng solution. . Sad to say, if kaya mo harap harapan n suwayin MIL mo ok Sana.. or ung husband mo mismo mag sasabi sa nanay Niya. Or uwi k Po sa Inyo kasama baby..

Ang hirap tlga pag hndi nakabukod huhuhu

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan