REACTION! ??????
Mommies ano unang reaction nyo nung nalaman nyong pregnant kayo? Ex. Pagkalagay nyo ng urine nyo sa PT at unti unting may lumalabas na two lines! Nagsisigaw ba kayo sa loob ng CR? ? Saka syempre importante yung reaction naman ni Daddy? Paano nyo sinabi? Surprised ba? Pinagsigawan nya ba sa mga kapitbahay na magiging Daddy na sya? ?? Anu-anong adjustments na yung nagagawa nyo bilang Mommy at Daddy sa pagdating ng pinakamagandang blessing sa buhay nyo?
Since di namn ako nag pt , hinayaaan kulang talaga na di ako niregla from january this year up to march , then pagdating april wala padin and worried ako kasi one time tumihiya ako pag gising ko sa umaga nag muni.muni tas hinawakan ko puson ko , biglang may nakapa akong bukol which is wlaa namn before kaya don nako kinabahan kasi madami din ako nababasa sa internet na kung ano2x mga sign ng buntis pero hindi buntis kasi ibang sakit pala etc... so ayun april 15 nagpa check up ako sa private clinic then may mga initial questions lang yung ob tas after non inultrasound nya ako pelvic kasi 4months nakong delayed sabi ko kaya di ako na transvaginal Nakakagulat na masaya na ewan super mixed emotions ako pagakasabi ng ob na oh ayan heartbeat ng baby mo tignan mo 😍😍😭sabi ng ob 4 1/2months na si baby nun 18weeks katumbas.. omg grabe di ako makapaniwlaa na magkakababy na kami ng partner ko AFTER years of trying dati nya pa kasi gusto mgka baby nasa province pa kami then pag punta namin dito sa manila nung Christmas ayun may baby na pala 😍 although wala sa timing kasi parehas kami walang work ako nag resign tapos sya namn ganun din pero kinakaya at kakayanin lahat syempre para sa little one namin na excited nako makita soon on September 31weeks nako ngayon 🤰❤️ Adjustments namin ni hubby wlaa namn masyado kumbaga inienjoy lang talaga namin pregnancy journey ko hehehe Sa time namn ayun sguro din kasi di kami magakasama sa bahay e dito ako sa family ko sya namn andun sa family nya kasi pinag take sya ni mama nya ng 1yr course ulit para sa work nya soon na offer nung company nya before Yun lang po ..
Đọc thêmkinabahan ako momsh hahaha kasi college student palang ako e. dalawa yung tinake kong pt. yung pangalawa dun na ako umiyak sa cr yung iyak ko non mahina lang hindi hagulhol haha kasi nasa bahay ako ng partner ko nun. dalawang beses yun nag positive akala ko kasi unang take false alarm lang ganern. natakot ako malaman ng parents ko di ko alam sasabihin ko lalo na sa mom ko tsaka sobrang kabado nadin start pa naman yun ng pasukan. Bale pumapasok pa ako nun habang buntis ako di rin naman ako naging maselan kaya goods lang. tapos nung pinakita ko sa partner ko yung pt ko napangiti siya tas ang saya pa niya kasi magiging daddy na daw siya ganon gusto na nga niya sabihin sa mom niya agad e. di pa ako ready kasi wala talaga akong alam sa pagaalaga ng baby siya sanay na sanay na. nung nalaman naman ng parents ko hindi ako pinagalitan, pinagsabihan lang nila ako na maging responsable na magulang sa magiging anak ko. ngayon wala na akong acads na iintindihin kundi ojt ko nalang para makagraduate ng college kaya goods naman na tska mas excited pa sila samin ng partner ko lalo na yung mom ng partner ko ang dami agad gifts ni baby hehe. kaya ang gagawin ko pagkalabas ni baby this coming august mag stop muna ako for 1 year para maalagaan siya. kahit na may mga dumating samin ng partner ko na downs di parin namin iniwanan yung isat isa lalo kami naging strong. now naman nagbago na siya and sincere yung paghingi niya ng tawad. thankful din ako sa kanya kasi nagwwork siya para samin ni baby kaya pag nakahanap ako ng work agad after college ako naman babawi sa mag ama ko. ☺️☺️☺️
Đọc thêmKakadrop ko lang ng tatlo tumalikod na muna ko para magantay ng 1min kasi yun sabi sa pt. Pero narealize ko di ko kaya antayin tinignan ko habang gumagalaw yung liquid nakita ko nabuo agad yung 2 lines nanlaki mata ko 😂 tapos after 1min mas malinaw pa sa kinabukasan ko yung PT ko hahaha, after non pinakita ko sa daddy nya alam nya delayed na ko 1 week nung pinakita ko napangiti sya (nasa labas kami eh) halos ayaw na nya bitawan tinititigan nya hahaha tapos right after that alam na nya buntis ako mas lalo na nya ko inalagaan at iningatan, dati nagyoyosi kami nag stop kami talaga kasi usapan namin yun pag nabuntis ako 😊 then lagi nya inaasikaso food ko gutumin kasi ako saka ayaw nya nagbubuhat na ko mabigat. Mas nafeel ko love nya sakin at sa Baby namin sa tyan. Spread love and I pray maranasan din ng ibang Mommies and love na deserve nila, di man sa mga iresponsableng lalaking iniwan sila pero sa mga taong nasa paligid nila na tunay silang mahal at mamahalin din ng sobra ang baby na dinadala/dinala nila 😊❤ God Bless mga Mommies!
Đọc thêmHonestly, umiyak po ako dahil natakot at kinabahan po ako. 1st year college palang po ako and super unexpected po yung pagdating ni baby. 5 months na rin po si baby nung nagtry po ako ng pt. (Irregular po kasi mens ko since April 2018) Nung sinabi ko sa BF ko, di siya natakot. Naging happy pa siya nung nalaman niyang preggy ako. Papanindigan at pananagutan daw niya ako. Haharapin niya ang fam ko. Nakakatuwa kasi di niya tinakasan yung responsibilidad niya samin ni baby. Ayon, umalis siya sa trabaho at naghanap ng mas maayos na maganda ang sweldo para makakapag-ipon na kami. Unti-unti na ring nalaman ng fam ko. At first disappointed sila pero naisip din nila na blessing si baby lalo na't kakamatay lang ng Mama ko last March. Inisip ko rin na si baby ang kapalit ni Mama kaya maaga siyang dumating samin. 🙏 Ngayon po, 1 week and 3days old na ang baby boy namin. Super okay na sa fam ko and super okay kami ng BF ko. Mas tumibay at mas matured na kami ngayon gawa ni baby. ☺💞
Đọc thêmWierd ung sa akin. 3 years kasi namin hinihintay magkababy.regular mens ko kaya every time n anadedelay ako ng 5 days or more nagppt ako. Pero madalas bigo mga 8-10 pt siguro ako. Nitong january nadelay ulit ako tapos ang tagal na talaga hanggang sa tinatamad n akong mag pt. Kinagabihan ng january 20 nanaginip ako na pregnant daw ako. Pagkagising ko sabi ko sige na nga makapag pt na para malaman jnauary 6 kasi dapat mens ko. Ayun wala pang 1 min nakita ko nantwo lines tuwang tuwa ako at napapaiyak at halos patalon talon. Inawat ako ng nanay ko sabi nya sge malaglag yan ahahha. Excited din sya eh. Si husband naman nasa work panggabi pagkasend ko ng pics sa messenger nya aba bigla umuwi ng bahay nung maconfirm nya ayun di na makausap. Binalita na sa fb at mga kamaga anak ninong ninang na magkakababy na kami. Hehhehe. Chat ng chat eh..heheh ako nmaan pinicturan ko sya habang busy sya magchat. Ahahah
Đọc thêmAko nung nagPT ako halos kakaalis lang ni hubby nun pauwi na sya sa province nila kasi para damayan at samahan nanay nya dahil kamamatay lang tatay nya.. usapan namin mga ilan months sya dun, pinagtatry nya ko magPT kase almost 2wks na kong delayed.. ayoko pa sana kase nga lam ko negative! Bumili kami PT nun nung bago sya sumakay ng bus tapos nung madaling araw nagtry ako magPT nanginginig ako d ko maunawaan yung nararamdaman ko sobrang nagulat ako na 2 lines..tapos nanginginig pdin ako nagtanong tanong ako sa kapatid ko tapos nagtry ulit ako nung tanghali ng araw dn na yun.. positive talaga! D ko akalain. Sinend ko result ke hubby, ayun imbes na ilan months sya dun e 5days lang inabot at bumalik agad sya saken.. sinamahan nya ko sa check up ko :) Maraming pagbabago ngayon preggy na ko pero masarap sa pakiramdam kase d ko inaasahan, akala ko d na talaga ko magkakaanak. :)
Đọc thêmThank you po sa pagshare ng happiness nyo nung time na binigay ni Lord yung pinakamasaya at pinakamagandang blessing sa isang couple. Tunay po napakasarap balikan ng nakaraan lalo na at alam mong nung araw na yun ay dininig ng Diyos ang ipinagdarasal nyo. Sana lahat tayo ay maging isang mabuting magulang sa ating anak at sa mga magiging anak pa sa hinaharap. 😆 Di man lahat ng Mommy dito ay pinalad na magkaroon ng isang responsableng maging katuwang sa buhay at di matawag na may matatag at kumpletong pamilya sa ngayon, pilitin natin punuan ng pagmamahal ang lahat ng pagkukulang na di naibigay ng ama ng ating mga anak. Wala kang karapatan panghinaan ng loob kaibigan, tandaan mong ikaw lang ang inaasahan ng anak mo... Magiging matatag ka. Dasal lang, magtiwala ka lang na magiging okay din ang lahat. 🙏
Đọc thêmhaha for me,, alagang OB ako eh.. 1 month na alaga, from nov.. tas expected na dec ma pregy ako, nung na missed ang period ko hindi ako nag PT, instead nag pa syrum ako.. tru blod ung pag test.. and wen the reault came out, ang reaction ko is, NAPAHAWAK AKO SA TYAN KO, SABAY SABI IM A MOM AT THE AGE OF 27, dec 14 ako nag pa test.. tas after a week ko pa sinabi ky hubby, pinicturan ko lng ang lab result, without any explanation , senend ko lng sa kanya.. itong asawa ko.. biglang na shUnga2 HAHAH, sabi nya.. positive? negative? pag positive meaning meron, pag negative meaning wala... kausap nya dae sarili nya.. and den smile2 dae sya.. while papuntang SM, nag mmotor daw sya.. sabi nya sa sarili.. kailangn ko mag ingat,, papa na ako... 😂😂😂
Đọc thêmI was very happy when i found out that im pregnant. Yung lagi naming hinihiling ng asawa ko natupad na. Yung hubby ko naman dedma hindi kasi showy 😂🤣 but i know deep inside he was very very happy. Sbi ko bakit wala ka manlang reaction. Sabi niya sakin alam ko naman na buntis ka kasi nung mga nakaraang araw iba na kinikilos mo. Napansin niya din siguro na hindi ako ngpapabili ng napkin 😂😂😂 About adjustment. Kinalimutan ko na vices ko Smoking, Drinking, Gimik. Kung dati napupuyat ako sa late night gimik ngayon anak ko na pinagpupuyatan ko 😊 I became responsible. Lahat ng expenditures nakalista na. Then ayoko na ng makalat samantalang dati kung saan saan nakalagay gamit ko.Kalahati ng wallet ko puro resibo na 😂😂😂
Đọc thêmActually kinakabahan ako. Hindi ako makasigaw nun since nandun ako sa bedspace that time. Nahihiya akong sumigaw kaya ngumiti na lang ako kahit na sobrang sama ng pakiramdam ko that time dahil na pala sa morning sickness. Sinend ko yun sa kanya sa messenger kasi nasa ibang bansa sya. Si hubby ko naman sobrang tuwang tuwa na pinagsabi na kaagad dun sa mga katrabaho nya na buntis daw ako. Tas nag thank you and Iloveyou sya sa akin. Dami ko ng nagawang adjustments mula nung maipanganak ko yung bb namin. I stopped drinking alcohol, smoking, yung paggala sa gabi, paglalaro ng computer, pati outings ng mga tropa di na ako sumasama, pati yung pagbabudget na din kasi dati walang budget budget. Wala ding ipon ipon 😂😂
Đọc thêm