Reaction
Ano first reaction nyo nung nalaman nyong buntis kayo? Ako po masaya pero nasa isip ko kung kaya ko ba talagang maging nanay.
Sa 1st baby ko, suprisingly happy ako. To think na I wasn't financially ready and we weren't married yet. Pero nung umulit ako ng PT tapos lumabo isang line, na-sad ako. Dun ko narealize na excited na pala ko magka-baby. Hehe Now sa 2nd baby ko, planned na sya. Nung nakita kong 2 lines na yung PT, napasabe ko na "omg hello baby girl" tapos umiyak ako haha. Ayun baby girl nga 😁
Đọc thêms 1st baby ko, hindi ako naniwala s pt and ultra sound, naniwala n lng ako nung sinabi n ng ob mo, hehe, excited kme ni hubby ko nun, sarap s pakiramdam, then ngaun s 2nd baby ko excited p dn kme kc 2 n cla, nakakaexcite p kc gusto nmin ni hubby makita reaction ng 1st baby nmin paglabas ni bunso😊
Masaya kasi after 9years of being together, eto na ung hinihintay namin. After 3months since nung nagpakasal kami ng husband ko biniyayaan kami ng bouncing baby boy. Pero andun din ang takot na baka di ako magiging mabuting ina sakanya kasi nga first baby. Pero naovercome ko un. Ngayon 10mos na sya
Hindi ko in-expect na buntis ako that time, pero nung nalaman namin with one time Pregnancy test lang, sobrang saya.. kasi hirap din kami mag conceived, but then dumating siya ng hindi inaasahan, kaya we're super happy and excited 😊💓
Na shocked.. kasi unexpected ih.. as in akala ko ndi ako mabubuntis kasi 4years kaming nag try, hanggang sa nawalan na ko ng pag asang mabuntis.. pero God is good pa rin.. binigay nya yung matagal ko ng hiling..😇 hayy😌
Sobrang Saya ko pero yung nanay ko that time gustong gusto na ako kaladkarin. Thank God, sobrang bait ng nanay ko hayst. Brings back memories. Hanggang ngayon thankful ako kasi may parents akong tulad nila. Always! 🤰😍
shocked!!!..unexpected kasi..9yrs na lumipas simula nanganak ako sa 1st born ko..di na ako umaasa mabubuntis ulit dahil may pcos ako..nagising ko pa nga baby ko para lang masabi magkakaroon na siya ng kapatid hahaha..
Scared to death actually muntik n kong himatyin kasi ang alam ko I'm on a birth control at pumalya sya kya its really unplanned. But as long as God hold the world in his hands there is no such thing is unplanned.
Una po chill lang,., pero pag ka next week dna aq makatulog😭 takot na takot po aq, pero nung naka pag ultrasound ako nung 5montha tummy ko, natuwa ako at araw2 ako umiiyak sa saya😌🙂 tears of joy.😍
Shocked, wrong timing eh. 18 palang kasi ako pero habang tumatagal, mas naeexcite na ko, gustong gusto ko nasyang lumabas. Kasi kahit buntis palang feel na feel ko na agad pagiging mommy . 💕💕