Mi please wag nlang magcomment kung sesermonan lang din naman ako. FTM ako kaya aligaga. Kailangan ko support at help sa decision.
Nagtae si baby na 7mos kagabi at taas ng lagnat 38.5 kaya nag online consult ako agad. Syempre since dko kilala yung doctor nagpasecond opinion ako. Wto yung libre sa maxicare card niya. Nagpalab na ako kanina. May 3-5/ HPF pus cells ni baby sa stool niya.
First doctor: cefixime for 3 days & zinc sulfate drops
Second doctor: cefuroxime for 7days & erciflora
Syempre tatawagan ko yung pinakapedia niya today para update siya at relay yung info. Pero sabi niya normal lang naman daw yung pus cells level.
Third doctor: zinc drops and erciflora pinapatuloy niya pero observe ko daw muna saka na mag antibac.
Gulong gulo na ako mi. Ano gagawin ko?
Grabe pag tatae ni baby. Watery din. Masigla naman siya at malakas magdede. Pure BF siya.
WORRY KO KASI KUNG MASAMA MA PANG ANTIBAC 7MOS O MAS MAGANDA BIGYAN KO NA SIYA?
ALIN SA DALAWANG ANTIBAC YUNG MAS OKAY? Sana may nakatry na sainyo
Thank you po sa mga sasagot. Malaking tulong po para sa ftm na katulad ko
#PoopConcern #diarrhea #flu
Fragileheart