Kuko ni baby
Mga sis totoo po ba na need ilagay sa libro yung first cut ng nails ni baby para daw masipag mag aral?
Nko ganyan ginawa ng nanay ko sakin pero nung nag hs na tinamad na sa sobrng hirap hahaha kaya di ko na.ginawa sa anak ko yan
Pamihiin lang po un, pero maganda rin po na tinatago nyo po ung mga ganun para paglaki nya makita nya hihi
Sabi naman saken para daw maganda ang handwriting😅. Ginawa ko naman, wala naman mawawala eh hehe.
Ako po naniniwala sa pamahiin, kaya po anak ko ngaun lumaking matalino...in my opinion lang po😊
Ginawa ng nanay ko yan sa akin. Nahilig ako sa books. Hehe. Dunno if nagkataon lang din.
No po 😊 Ang kasipagan ng bata ay naka depende sa guidance from the parents.
yung panganay ko 11yrs old na now ganon ginawa namin pero tamad pumasok 😂😂
Not true. Nasa sa parents at mga kasama niya sa bahay kung tatalino si baby.
sa akin first cut ng baby ko sa simbahan nilagay sa holy water hinulog namin dun.
Kaya dapat tignan muna kung sasawsaw e. One time nakakita ako ng kitikiti sa holy water!
Hindi po, no scientific basis. Hehe. Nails are actually dead cells. :)
Married ❤ | J & E’s Mommy ❤