Hoping for rainbow baby

Hello mga sis. Sino po dito na namiscarraige na at nabuntis ulit? Ilang months or years bago ulit nabuntis and naging successful na po ba? Salamat po sa mga sasagot. Nalulungkot lang talaga ako ngayon. One month nalang sana due date ko n kaso si baby namin nakay Lord na at hindi parin sya bumabalik ??

27 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako sis twice nakunan at naraspa, nabuntis ako nung September 2016 nakunan ako November, tas nabuntis ulit nung March 2017 nakunan nung May. Sobrang maselan at sensitive pala ako magbuntis. Kaya advice samen ng medwife na nag assist saken dapat daw paabutin ng 3 years bago magbuntis ulet para fully recovered na ang matres ko, Nakaka nipis daw kasi ang raspa, kaya habang lumalaki si baby sa tyan ko bumubuka cervix ko. Inantay namen ng Asawa ko ang 3 years kaso wala pang 3 years nabuntis ako last year, last September ngayon kabuwanan ko na dis month 38 weeks na baby ko. Sana makaraos na ng safe at healthy. Last check up ko last Tuesday sabi ng ob ko close parin daw cervix ko. Cguro dahil mula umpisa panay duphaston ako, yung pampakapit. Masakit ang mawalan sis, pero think positive ka lang. Ibigay rin ni God yan pag para na sa Inyo. Ipahinga mo muna katawan mo, kung Di ka naman maselan kahit after 6 months pwd kayo mag try ulet or paabutin niyo po ng 1 year para fully recovered kana. God is good, mag tiwala lang tayo sa kanya. God Bless po. ❤️❤️❤️

Đọc thêm
5y trước

Salamat sis. ❤️❤️❤️ Ikaw rin po, stay strong. 💪😘🙏🏼

Thành viên VIP

Ako sis nakunan ako last nov. 2019 di rin ako niraspa bukod sa vitamins wala ng pinainom na gamot pampalaglag kase kusang malalaglag nalang daw. tapos natakot ako nun kase may katrabaho ako na nagsabi na pwede daw na matagal ulit ako magbuntis o mabilis lang. Mag nagsasabi din na pag naraspa mabilis lang mabuntis kase malinis yung matres. Kaya sa isip isip ko baka matagal ako ulit mag buntis kase di naman ako niraspa simula January 2020 nagtatry kami ni mister kaso laging negative naaawa na nga ko sa asawa ko kase gusto nya na magkababy. Pero sa walang sawa naming pag pipray na magkababy na kami finally biniyayaan na kami baby nabuntis ulit ako. 3 months preggy na ko now, Kaya tiwala lang tapos pray kalang kay God.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Not miscarriage but ectopic pregnancy last Aug 2018. 8wks after ng surgery ko,I found out I was pregnant again. And guess what,8wks na din. Hanggang ngayon mejo confused pa rin ako pano nangyari but very thankful. Lalo na sa OB ko na nag opera din ng ectopic pregnancy ko at nag alaga sa pagbubuntis ko. Nakapag normal delivery din pala ako. 1 year old na ngayon rainbow baby ko🤗

Đọc thêm

Last Dec 2019 i got ectopic pregnancy at 5weeks. Akala ko magkakababy nakame ulit after 9 yrs, 2nd baby na sana. Kaso hindi pa siguro para sa amin, tuluyan syang nawala. After a month nagmens pako, by feb 2020 delay nako 1 month, punta ako agad ob, 7 weeks na si baby 😊 now im at my 21 weeks and 2 days 😊 pray lang momsh darating din sa tamang panahon 😊

Đọc thêm

i lost my baby October of last year. He was 14 weeks when I lost him. After 2mos nabuntis ako ulit. I'm on my 25th week now. I know how you feel. Sobrang sakit mawalan and at the same time nakaka-trauma. Pero keep your faith stronger mamsh. Ibibigay din yan sa'yo. Will pray for you.

Ako po nakunan last year,walang heart beat si baby..ngayon po 3 months akong pregnant kaya todo ingat kasi maselan na naman dahil mababa daw placenta ko pero thanks God normal ang heart beat ni baby..pray lang tayo sis,ibibigay ni God Ang blessing kahit di natin hinihingi..

Thành viên VIP

Aq po sis akala q ndi na kmi mgkakababy pero nung nag vit c at collagen capsule aq yung generic sa watson ,nabuntis po aq but sadly namiscarraige nung 10weeks oct2019 ,and after 4mos napreggy ulit aq,15weeks hopefully maging okay pgbubuntis

Nagkaron ako ng miscarriage last jan. Nitong year momsh. 2mos lang baby ko sa tyan nawalan ng heartbeat kaya ako niraspa. This april nabuntis na ulit ako sa Awa ng Diyos binalik nya agad. Hope ung sau mabuo nyo na ulit. Try lang and always pray. 😊

5y trước

Babalik din sya momsh tuloy mo yung folic acid. Para maihanda yung katawan mo sa pagbabalik ni baby. Ako nitong nakaraang linggo nagkaka spotting nnmn. Nakunan nako ayoko ng maulit yung sakit kaya kinausap ko si Lord ipinapa ubaya ko na sakanya ang lahat. Ayoko na mag isip ng negative para magpatuloy ang dinadala ko.kaya heto bedrest lang tlga ako hanggang sa malampasan ko ang 1st tri. Good luck sau momsh kaya natin yan pray lang lagi 😊

Ako mamsh nakunan last dec 2019, no heartbeat 1st baby. My 1st baby was 7weeks nun ko ngayon im 21 weeks and 4 days preggy sa 2nd baby namin. So far okay naman sya. Pero bedrest ako from 12weeks sya until now.

Ako din nakunan last year, akala ko mahihirapan ulit kami makabuo ni hubby pero 6 months lang may blessing na dumating. pray lang ng pray ibibigay din sayo ni god ang hinihiling mo.

4y trước

nung september 2x ako dinatnan ng mens, tpos nag abnormal na po mens ko minsan din po 2days lang mens ko mahina din balak ko na nga sana magpa popsmear pero sa awa ng diyos nabigyan agad kami ng blessing.😍