Need advice please!😭

Mga sis I need your opinions, litong lito na ko at this time. Simula nung manganak ako last month, parati na kaming may misunderstanding ni hubby pagdating sa pag aalaga kay baby, madalas na nagkakatampuhan at nagtatalo at kaninang umaga nagalit sya kasi mali yung pagkarga ko kay baby I mean hindi nya kasi nagustuhan ung way ng pagkarga ko sa anak namin so ayun pinagsabihan nya ko kaso nasaktan ako kasi di ko nagustuhan ung way ng pagsabi nya sakin, ang gusto ko lang magsabi sya ng maayos. Ayun nagkasagutan kami hanggang sa nag-empake na sya at sabi nya aalis sya so sabi ko naman "sige umalis ka!" Nag abot sya ng pera sa tatay ko para kay baby tapos umalis na sya ng walang paalam sakin saka sa anak namin. Umuwi sya sa kanila at binilin nya sa nanay ko na babalik din daw sya dito sa amin. Nagmatigas ako hindi ko sya pinigilan umalis. Not until kanina narealize ko na mali ako. Simula buntis ako hanggang ngayon binigay nya lahat ng needs at mga gusto ko/namin ni baby, kahit gipit na sya hindi sya nagkulang samin. Nung pagkapanganak ko sya ang nag-alaga sakin. Sinusubuan ako tuwing kakain kasi hindi ako makaupo dahil sa tahi ko. Sya nagpapaligo at naghuhugas sa sugat ko. Sya nagreremind at nagpapainom sakin ng mga gamot at vitamins ko. Lahat ng pag-aalaga ginawa nya pati pagpapalit ng diaper ko at diaper ni baby at pagpapatulog kay baby. Lahat yun naisip ko kanina nung umalis sya. Nagsorry ako pero ang sabi nya wag ko muna syang kausapin, gusto daw muna nyang mag-isip-isip. Ngayon umiiyak ako at namimiss sya agad. Ang tahimik ng kwarto namin ngayong wala sya at kaming dalawa lang ni baby. Anong dapat kong gawin? Ayoko ng ganito kami. Hindi ko alam kung kailan nya kami babalikan. Parang ang hirap mag-alaga kay baby ngayon, tuwing iiyak sya mapapaiyak din ako. Kausapin nyo ko. One month pa lang kami ni baby. 😭😭😭

19 Các câu trả lời

VIP Member

Sorry momsh ha. Pero ang babaw bat umalis yung lalake. Just take care of yourself for the time being. Wala din naman magagawa ang pagiiyak mo. Bigyan mo muna siya ng time magisip.. at magpa-lamig din ng ulo. ✌

baka yun na lang yung nagpuno ng salop pero marami ng kinimkim si hubby.. di naman siguro yun lang ang magiging dahilan para mag alsa balutan. alam naman naten mga ugali nateng mga babae, di din maintindihan madalas ✌️

Ikaw na din naka realize na me mali ka.So consinderate ng hubby mo. Hayaan mo muna ma cool down sya and sa pagbalik nya sa inyo make him feel na mahal na mahal mo sya at bumawi ka sa mali mo.God bless

lambingin mo lang sya hehe baka nagpapalambing lang. wag mong hayaan na hindi kayo mag-usap, importante sa isang relasyon ung pinaguusapan lahat ng bagay lalo na mga problema ☺️

Pareho samin ni hubby. Nagtatalo pano magkarga ky baby. Tapos ndi na mag uusap buong araw.kakapanganak ko lng din. Btw ganyan cguro pag mga 1st time parents.

mukang narealize mo naman na ang mali mo, hayaan mo lang muna sya. baka pagod lang din. babalik din yan. at pag bumalik na sya, be malambing na sa kanya..

wag nu n po patagalin, tawagan mo n sia sis...say sorry at lambingin nu po sia...mas magaan ang buhay kung magkabati at magkasama po kau ng asawa nu 😊

VIP Member

I feel you sis ganyan din kami ng asawa pero di naman umabot sa point nagempake sya...kaya ang ginagawa ko sinusuyo at nilalambing ko sya😊

ganya talaga yung mga 1st time daddy ganya ang asawa ko pera tinatawanN ko lang siya hhhahahhahahahaha

Babalik din siya.. hayaan mo lng Muna siya bka nag papalamig lng Ng ulo Ska nag papahinga. Pray ka Lang po

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan