Step Dad

Hi mga sis. Hingi lang ako ng konteng advice. Meron akong LIP ngayon. We've been together since kalagitnaan ng 2017 up until now. May on going 4 months na kaming baby boy. Pero meron na rin akong 2 anak sa pagkadalaga. Boy and girl. Panganay ko, lalaki 11 y/o na and then yung sumunod babae, 10 y/o. Mejo nahihirapan lang ako sa sitwasyon kasi mejo mahigpit si LIP. Pero mga anak ko kasi nasanay sa petiks na buhay kasi lumaki sila na kasama namin mga magulang ko. Talagang inalagaan sila at binbigay ang gusto. Mejo hindi marunong pa sa mga gawaing bahay. Eh nagrent kami ni LIP ng apartment na malapit sa magulang ko so ung mga bata patawid tawid lang dito. Kinakagalitan nya mga bata pag masyadong mahaharot, pag di marunong magligpit, pag pasaway masyado. One time, ung babae kong anak gusto matulog dito sa bahay pero ayaw nya matulog sa kabilang kwarto. Gusto nya sa kwarto namin, eh masikip kasi sa higaan kaya sabi ko sa kabila nalang. Pero ayaw nya talaga, may ugali kasi anak kong babae na pag gusto nya, gusto nya talaga. So pinagbigyan pero sa baba sya ng kama natulog. Yung LIP ko hinarot ako, nakisali sya. Di naman nya siguro sadya, nasampal nya si LIP dahil sa harot. Mejo nainis si LIP pero di nalang pinansin at natulog. Pinagsabihan ko anak ko. Kinabukasan naghaharot nanaman kay LIP. Andun kami nun sa bahay ng mama ko. Si LIP di na sya pinapansin kasi nga baka masobrahan nanaman sa harot. Tapos pinagsabihan ko. Nagtampo naman ang anak kong babae at mejo nagpapapansin. Kumakain kami pumunta sya sa ilalim ng lamesa tapos habang naguusap kaming tatlo ni LIP at mama ko, kinakatok katok nya ung ilalim ng lamesa. Nainis nanaman si LIP kasi parang nababastusan sya pag ganun. Pinagalitan ko ulit anak ko. Tapos nung pauwi na kami iyak sya ng iyak. Yung LIP ko sabi "pabayaan mo yan, wag mo pansinin. Dito lang sya wag mo na isama sa bahay yan kakaladkarin ko yan palabas." Ako naman, parang nabigla naman ako sa salita nya. Naaawa din ako sa anak ko dahil matagal tagal ding nawala ako sa tabi nya. Puro ako trabaho, minsan nalang ako umuwi noon dahil malayo ang trabaho ko. Feeling ko naghahanap ng atensyon sakin ung anak kong babae lalo na pagbalik ko may bago na akong inaalagaang baby. Parang uhaw sa atensyon at kalinga. Naistress ako kasi di ko alam pano ko ba ipapaintindi sa LIP ko na sana pagpasensyahan nalang ung anak ko. Minsan nasasaktan ako pag sinasabi nya na ung baby lang naman namin ngayon ung anak nya. Naiinggit ako sa ibang lalaki na may karelasyon na may anak sa pagkadalaga na minamahal nila na parang sa kanila, na parang kadugo nila. Hindi ko kasi nakikita sa LIP ko yung ganun. Mabilis syang mainis sa mga anak ko..

15 Các câu trả lời

VIP Member

Mahirap ung ganyan sis. Kc ako ganyan din ang kinalakihan kong buhay. Mahihirapan ang mga anak mo. 😔. Wag mung hintayin s point na mawalan n ng amor sayo ung mga anak mo. Lalo na s henerasyon ngaun. Pag tumatak s isip nila yang ganyan. Ikaw din ang mhihirapan s huli.

Sis kung tingin mo hindi tanggap ni lip mga anak mo better decide total dpa naman kau kasal.,mas importante mga anak kaysa ky lip.,masakit ung sinabi nyang ung anak nyo lang ang kanya.,para na ring sinabi nyang d nya tanggap mga anak mo.,ako may 2 anak narin dati ang asawa ko kasal kami.,3 at 8 yrs old lng cla nung makilala ko ngaun 20 at 15 yrs old na cla.,sobrang close nila sakin kasi trinabaho ko talaga na mgka sundo kami kasi ako ang pumasok sa buhay nila kaya ako dapat mag adjust.,sana ganon din ang LIP mo mga bata naman yan.,sana matuto syang tanggapin para mas madali sa kanya pakisamahn mga anak mo

tama ung ibang mommies. muka nga ang ugat ng lahat is ung ugali ng anak mo. kailangan mong mabago yan ngayon habang bata pa, mas mahihirapan ka kung magiging teen na sya at ganyan pa din ugali. mas lalaki ang magiging problema, worst papiliin ka.

Base sa kwento mo kahit ako naiinis din sa anak mong babae. Masyadong napagbigyan ang mga hilig, spoiled kung baga. Halimbawa, kahit ako eh bisita lang sa bahay nyo maiinis din ako. Kelangan mong kausapin ang anak mo at disiplinahin sya.

Pero ramdam mo naman na tanggap ng LIP partner mo ang mga anak mo at tinuturing din nya silang anak? Sa part naman ng anak mo, nasanay kasi sila na nakukuha lagi ang gusto. Sa totoo lang, ikaw din ang mahihirapan kalaunan.

Yan ang hirap pag lumaking entitled at spoiled ang mga bata. Walang kinatatakutan.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan