Ga patak na gatas.
Mga sis ask kolang po. Due date kona now pero wala padin ako gatas. 😔 Lagi kopo nililinisan nipple ko para may labasan ng gatas. Kaso pag pinipiga kopo kulay yellow na may onting white palang sya tapos ga patak lang po, anong dapat kong gawin mga sis baka walang madede saken si baby paglabas nya😢#advicepls #pleasehelp #pregnancy
Naku, guilty tayong mommies sa too much worrying about everything. Don't fret mommy. You can always ask your OB how you can jumpstart your milk supply. You can start taking malunggay supplements if your OB will allow you and start eating your greens, mga sabaw, banyan. Hydrate lang pero alalay pa rin kasi baka naman mamanas ikaw and mahirapan manganak, pa-guide ka kay OB mo. Noong nanganak ako, hindi rin naman agad malakas ang supply ko. But be ready mommy kasi breastfeeding is a commitment. Hindi lahat blessed with an abundant supply kaya kagaya ko, it takes time and effort. Basa wag ka susuko 🙂 Congrats sa baby mo and I'm excited for your breastfeeding journey to start 🤱
Đọc thêmcolustrum yung tawag sa nalabas sayo girl. Una mo dapat iworry yung safety nyong magina sa panganganak the rest will follow. Our body is designed for producing milk ang magiging problema mo lang sa pag produce e kung kakayanin mo ba yung sakit ng pag dede ni baby kasi napakasakit talaga non to the point na dugo nq lalabas sayo. Pangalawa kung mahina supply mo susukuan mo ba o tatyagain mo. Pag aralan mo proper latch at ihanda mo yung sarili mo sa pain sa pagpapadede
Đọc thêmHi Mommy, wag niyo po pigain. Colostrum po iyan. Importante pong ma dede ni LO dahil madami pong health benefits yan. Kusa pong lalabas ang milk pag nag latch si baby. Wag po kayong pa stress na konti ang milk na lumalabas dahil konti lang din naman po ang kailangan na milk ni LO. Nakaka affect din sa milk supply ang stress kaya wag po ninyo masyado isipin. Drink lots of fluid, pwede din kayong mag take malunggay capsule. Kaya mo yan Mommy! ❤️
Đọc thêmwag po kayo ma worries kasi karamihan po tlga sa mga buntis e after pa manganak nagkaka gatas kapag dumede na c baby. Kasi ako nga wala tlga mapiga na gatas nung buntis pa ko pero after manganak ako, mga 2days nagka gatas na ko nagle leak pa. Saka yang yellowish na milk na yan, "colostrum" po yan, wag niyo na po pigain kasi yan po ang pinakaimportanteng unang maiiinom ni baby pagkalabas niya..
Đọc thêmwag nyo muna piga pigain sayang po yun po yung dapat pinakauna mainom ni baby, colostrum po tawag jan makakatulong sa baby para iwas infection concentrated po ng protein ang colostrum kesa sa susunod na lalabas na milk . lalabas din po yan milk nyo kapag madalas na po siyang naka latch sayo sabayan nyo ng masasabaw na pagkain like mga shells with malungay etc or food supplements
Đọc thêmhi mamsh! dont worry po kung wala pa o ga patak pa lang ang milk mo, si baby po ang susi para makapagproduce ka ng milk. mas ok kung magpakulo ka ng malunggay hanggang maging green yung tubig then inumin mo para mas marami ka pong maibigay na milk pag labas ni baby. iready mo rin po sarili mo sa sakit pag nagpadede ka na po. have a safe delivery po mamsh 😊
Đọc thêmHello mii, wag po kayo mag alala kasi kadalasan talaga after pa manganak lumalabas milk sakin din ganun after ko ma cs pinadede sakin si baby ipasipsip lng ng pasipsip kay baby lalabas din yung milk d gano malakas pero sapat lang para ma fill tummy ni baby ska medyo malapot po pla na medyo madilaw yung lalabas kasi colostrum daw yun masustansya kay baby 🐥
Đọc thêmdon't worry mommy milk letdown will come. yang yellowish ang tawag na colostrum, very nutritious for the baby kahit konti lng yan enough na yan for a newborn. make sure lng po na when the baby is delivered dretso sa dede mo and try to let the baby suck..better you room in pra mka pagbreastfeed always c bby and lumabas agad milk mo
Đọc thêmadvice sakin ng Ob ko Before manganak atlis 2months before dapat Mag Take kana Ng moringga or malungay capsule and more takes fluids like milk for pregnant para habang inaantay mo ang due date mo. may milk supply kana at dika ma stress dahil pag nag padala ka stress pwedeng maka affect un sa pag produce mo ng milk.
Đọc thêmmii sa mga unang araw ni baby konti lang naman talaga need nila.. mga 1 tablespoon lang po.. wag mo pigain sayang yang yellowish na lumalabas sayo... yan ang pinakamasustansyang milk na makukuha nya sa iyo.. wag magpastress yan ang #1 kalaban mo sa pagproduce ng BM...😊