Best Formula Brand for new born

Mga sis ask ko lang and share ko na din story ko about sa pag papadede sa baby ko. 2 weeks na po siya ngayun. May milk ako BF kaso ang problema si baby ayaw sa nipple ko nag tatry ako mag padede kaso dede siya sakin after ilang seconds nag wawala na siya kase ayaw niya. Marami naman po akong milk. Tumutulo nalang sa dami. Kaya po nag formula kami BONA ang problema po kase parang di siya nabubusog tapos pag padedehin ko po na sumusuka naman po siya ang hirap pa niya padighayin. Tagal niya matulog kahit kakadede niya lang inaaliw ko para di mag iiyak ang kaso po talagang milk ang habol. Di ko na po alam gagawin ko parang nakakatakot po kase bumili ng formula tapos ganon pa din. Mga sis ano po ba dapat kung gawin?? Naiiyak nalanh ako dahil di ko alam pano gagawin ko sa baby ko. FTM po ako at wala din po gumagabay sakin... Baka po may makatulong sakin kung pano po dapat. Please respect. Thank you.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hello mommy, sanayin mo lang si baby sa dede mo. After a month si lo ko ayaw nya parin minsan sa dede ko kasi malaki ang nipple pero keep offering padin sa suso every 2-3hrs, mga 2mos or so di na nya iniisip kung ayaw nya ba o hindi, kasi alam nya na yun ang pagkain nya. we can't expect right away na matututo sila, they need our help po kasi nag papractice pa lang yan sila mag ng "perfect sucking" kasi naturally they know to suck but not perfectly. yan turo sa'kin ng head nurse kasi breastfeeding advocate din yung hospital kung saan ako nanganak po. not all the time yung cry nila is gutom, minsan they just want to be hele kasi nasanay yan sa loob natin po for 9mos na namimeet agad ang needs, try mo lang hanapin ano gusto o need ni baby sa'yo, comfort kasi nila ang pagsuso kaya minsan try mo din libangin sya sa ibang bagay gaya ng paghele para hindi lang gatas ang hanap. ** note: di po totoo nasasanay sa hele, noong nag 6mos si lo ko ayaw na ayaw na nya ihele hanggang ngayon 11mos na sya, nakakatulog lang sya suso. about burping, it's okay kahit di mo narinig burp ni baby lalo't BF kasi pag bottle nasasama ang hangin pag dede nila kaya nakakaburp ng malakas, basta't burping position mo lang 15-30mins po :)

Đọc thêm
4y trước

Thank you so much po sis 😊

Hi mommy! I had the same, as in exact experience with you. I want to BF kaso ayaw ni baby, and it gave me a lot of frustration to the point na naiiyak ako parati. I keep on insisting pero ayaw nya.. So I decided to give formula. We tried 4 different brands. I suggest you go with Nan HW po. Madali lang idigest ni baby.. Pero kung kaya mo mag BF, go with BF mommy..

Đọc thêm