Advices

Mga sis ask ko lang if pwede ba magipon kahit buntis? Sabi kasi nila masama magipon pag buntis. may kilala kasi ako nag ipon sila habang buntis tapos 2months un baby sinugod sa ospital. sabi naman ng husban ko di raw masama ang masama un walang mautangan in case of Emergeny. ? Pa help naman

72 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sis ugaliin mo, buntis ka man or hinde dpat my ipon ka for emergency purposes. pano kpag may kailangan biglaan, san ka kkuha ng pera dahil lng sa sabi ng matatanda, sila ba mgpprovide? ako may ipon ako kahit bago pa mabuntis at nag-iipon pa rin kahit ngyon nakapanganak na, savings nmin ng asawa ko, emergncy fund pati barya sa alkansya meron din ako..wala na ko parents at matanda n din MIL ko, pag nangailangan kmi, walang ibang tutulong samin kundi kami lang din ng asawa ko..

Đọc thêm
5y trước

Thanks sis sa advice

Thành viên VIP

Oo naman po ok lang mag ipon, kami ni jowa Nag iipon kahit pa sa public hospital ako manganganak kahit may philhealth at swa na malalapitan kasi di naman natin maeexpect ang mangyayari kung hindi man magamit sa pagkapanganak, plan namin na gamitin sa binyag ni baby para di maaga namin sya mapabinyagan at hindi maging sakitin, 😊 Kaya mas maganda talaga may ipon

Đọc thêm

Hindi naman siguro logical yung sabihing may mali sa pag iipon. Una, kailangan mo iyon. Anytime pwede dumating ang emergency. Pangalawa, gusto mo lang din siguro na financially ready ka. Hindi mo man magamit sa panganganak, o after ng birth ng baby, iba pa rin ang may isinuksok. Laging may madudukot. Mommy ka na so always think of the baby under your wing. 😉

Đọc thêm

Mag ipon po kayo mas masama kung may emergency tapos wala kayo magawa para matulungan Baby nyo 🙁 Wag po tayo maniwala sa sabi sabi lang mag pray na lang tayo para lagi may guidance kay Lord at hindi mangyari ☺☺☺

Much better mag ipon, mas masama kung wala kang pera in case magka problema.. Hindi naman masamang sumunod sa pamahiin pero mas masama pag wala kang madukot na pera pag nangailangan ka. 😊

Kame dati sa 1st baby ko, nag ipon kame. 150 a day po. Hanggang sa manganak. Ayun nakabayad kame sa ospital. ❤️ Walang masama sa pag iipon. Ang masama ung wala kang magawa.

Thành viên VIP

Sabi sabi lng nmn nila yun mas ok pa nga mag ipon kasi ano gagamitin mo pag may kailangan ka sa hospital atleast nakakapag handa ka para sa gamit ni baby or para pag nanganak ka na

Ako po mga mommies buntis ako pero my alkansya ako, nag sesave ako khit 20 a day, . D nmn po.cgro masama. Pray lang kay god na c mami at c baby ay palaging healthy..

Thành viên VIP

Di nman masama magipon ,dati ang mttanda pinagbabawalmag ipon ng barya kc mgging sakitin dw ang kahit sino s pamilya, kaya kung magiipon ka puro tig 20 or papel

Thành viên VIP

ung nangyari po sa kakilala nyo is nagkataon lang and wala naman po kinalaman sa pag iipon nila, mas mahirap naman po na wapa kau ipon in case of emergency