exes

hello mga momshies! tanong ko lang.Nangyari naba sainyo yung natawag kayo ng asawa nyo/bf/partner nyo sa tawagan nila ng ex nya? It has been almost 5 years na kami, it happened many times nung bago pa kami, kasi almost 6years sila ni ex nya so inintindi ko.But this time naguguluhan ako. Ano ba sa tingin nyo? ?

63 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Omg baka nakakasama nya pa. Napaka imposible naman na mangyarin un kung 5 yrs na kayo.. Observe mo po.. Minsan na din ako natawag ng "Baby" ng ex ko pero "hon" tawagan namin, so ayon break kami nalaman ko na my jowa syang iba

5y trước

Buwiset. Hahahaha! Natawa ako sa "omg" 🤣

Thành viên VIP

Actually ako hndi ko siya tinatnong kung ano twagan nila dati ng mga ex nya.. So wala nako pake kung same tawagin namin sa tawagan nila ng ex nya.. Past is past.. Ako ang present. 😊 think positive lng mamsh.. 😇

ai naku kapag sken nangyari yan, aawayin ko talaga sha kz bkt yun pa maitatawag nya sayo, ibig sbihin naiisip nya pa or pwdeng tinitignan nya pa yun sa social media kaya naalala nya. pwd kz gnun eh.

Di ko naman alam tawagan nila ng mga naging ex nya and I dont intend to know. If matawag nya ko other than the usual terms of endearment namin eh syempre taas kilay ko nun at tatanungin ko cya haha

Nako momsh be vigilant 🧐 bka nakausap nya recently si EX kaya bigla nya naalala ang mga kahapong nagbalik! 🤔 hehe joke lng 😁 kung okay na okay naman pagsasama nyo no need to worry..

If hanggang ngayon natatawag ka nya sa endearment nila nun ex nya, I think need mo magobserve sa paligid nyo, kasi pag naiisip nya pa rin yun meaning nakakasama nya pa. Be realistic.

Depende sa sitwasyon,kung may anak sila syempre connected at connected parin sila dahil sa bata kahit kasal pa kayo,wala nalang magawa kasi pinasukan ang ganyang sitwastyon.

Thành viên VIP

Hindi naman sis. Siguro nasampal ko sya pag ganun. Hahaha. Kahit magkaaway kami ng mister ko mommy pa din tawag nya sakin kahit ako 1st name na nya pag galit ako sa kanya. Hahaha

Influencer của TAP

Sampalin ko sya pag mabanggit or matawag nya saakin yan mamsh. Hindi sa sila ang matagal at kau ay bago palang. Dapat alam nya po ang mga sinsabi or nababanggit nya po sainyo.

Ako alam ko anong tawagan nila ng ex niya (7yrs), pero never nya talaga akong na tawag sa tawagan nila. :) 3 yrs kami bf and gf and 1 yr and 4 mos na kami kasal ngayon :)