33 Các câu trả lời
Oo sis. Mas tumaas ngayon kasi need na magpa swab test or rapid test. Plus sinisingil din ng ibang hospital yung PPE na gagamitin nila. 😔 pero check mo rin sa OB mo kung magkano, you can ask din sakanya or sa hospital mismo na balak mo manganak just to give you an idea iba iba kasi bawat hospital. And option narin namin sa lying in na affiliated ng OB ko since it's cheaper and di na required magpa swab test or wear PPE pero nagprep parin kami around 80-100k just to be sure.
Mahal po talaga gawa ng co.vid measures. Ung ibang hospital bago iadmit ang mommy may mga additional tests. Pati paglabas ni baby itetest sya. Plus si baby imbes normal nursery, ung iba sa nicu talaga inii-stay. Arawan ang bayad. Bukod pa sa bayad sa gamit. Kakapanganak ko lang last week and emergency CS ako. Umabot kami ng 120k kasi may naging problems pa ko after manganak. Pero ayun, safe siguro na maglaan ka lang ng 80k-100k. Better sobra kesa kulang. 😊
After namin ikasal ni hubby, nag-start na kami ng savings para kay baby kung sakaling ibigay agad samin atleast may naka-ready na kami panggastos sa kanya. Ngayong 25weeks na ang tummy ko, may 109K na si baby sa bank. Di namin ginagalaw kahit anong mangyari. Kasi nakalaan yun sa gastusin para sa kanya. October ako manganganak 😊
Mahal kung required ang swab test saka yung mga PPE ikaw ang bibili. Kung may lying in na tatanggap sayo, mas makakamura ka. Ako private maternity hospital pero di required swab test, pinagready lang ako ng OB ko ng 35k-40k.
Kung sa hospital ka mag aank sis Sabi Nung midwife nsa 50 to 60k ang normal kung CS nsa 80k to 100k private hospital nmn yun pero kung sa Lying in 3k pag may Phil-health pag wlang Phil-health nsa 6k to 8k.
For private hospitals prep atleast 150-200k If you have a healh card and Philhealth they'll deduct it. Also, for those who have maternity claim from SSS, you'll get it deposited to your account c/o your employer.
i have my delivery last jun 2 and thn my OB advise me to prepare 130k for cs na yan kasi high risk ako however yung actual bill ko including ni bb is 220k dahil my unexpected complications ako during delivery..
Sa private po ko ngayon manganganak this july sa may Delos Santos Medical Center sabe samin 15k-20k pwede bayaran kung naka charity ka maleless pa yon pag naka philhealth and pag nilakad nyo yung sa pcso.
I gave birth last May31, 22k bill namin ni baby 2days un via NSD. Sa private hospital un. No additional test na ginawa samin. Thank God,pero nag ipon kmi ng 100k just in case.
Magpray ka po na everything will be normal lalo na si baby. Pag public hospital inaabot lang ng 3-5k. Pag may philhealth mas mababa pa diyan pwede mong magastos.