Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Noah James Flores Lagunday
Selling: Natalac capsules
31pcs Natalac capsules for 200 na lang po. Di ko na kasi nainom dahil di lumabas gatas ko. Sayang naman. Matagal pa expiration 2022 pa po.
Selling Natalac capsule
Pre-loved nursing shirts & dresses
Hi, Mommies! Baka meron po dito naghahanap ng nursing shirts or dress, di ko masyado nasuot mga to yung iba as in natago lang kasi di ko naman na-breastfeed baby ko. If kunin lahat may freebies akong nursing bra saka breast pads. 6pcs yung shirts = 50 each 3pcs dress = 60 each
Breastfeeding
Hello, Mommies! I'm a first-time-Mom. It's been 10 days since I gave birth to my son. Pero hanggang ngayon wala parin akong maproduce na milk na sapat sakanya. I'm even using electric pump almost every hour pero di man lang umaabot sa 1oz naiipon ko. Sobrang frustrated na ko. Gustong gusto ko padedein ng milk ko si baby kahit sa bote na lang since nasanay na sya at medyo maliit din nipples ko kaya di nya ma-suck. Gusto ko lang na mag pure breastmilk sya para healthy sya at di basta basta magkasakit lalo pa sa panahon ngayon. I will appreciate any tips and lalo na yung words of encouragement kasi naiiyak na ko sa gabi kapag di ko mapatahan si baby. Almost every hour kasi nagdedemand sya ng gatas e may oras yung pagbigay ng formula sakanya. Ayoko naman syang mag overfeed. Thank you and sana wala akong mabasang negative comments kasi ginagawa ko naman po yung best ko to produce milk.
SSS MAT2
Anyone na nakapagsubmit recently ng MAT2? Baka may list po kayo ng requirements and pano po ba ang process? Kakapanganak ko lang last July 16, wala pa naman birthcert si baby pero gusto ko lang malaman ahead kung ano mga kailangan and kung pano ipapasa. Thank you sa makakasagot. 😊
Panubigan na kaya 'to?
HELP! I'm 39 weeks and 2 days. 4cm last Monday. Palagi ako may nafefeel na lumalabas sa pempem ko, bigla na lang tutulo kahit di naman ako naiihi. Pag tiningnan ko naman basa lang, medyo yellowish. Tapos kanina pag gising ko basa na panty ko. Wala akong pain na nararamdaman, kung meron man kaya ko tiisin. Last week pa ko nilabasan nung mucus plug na may kasamang brown discharge. Pero sabi ng OB ko antayin ko pa daw humilab. Kaso wala talaga kong nararamdaman. Ano kaya pwedeng gawin? Nag woworry ako baka panubigan ko na yung lumalabas saken. 😔
Natural way para makaramdam ng hilab.
39 weeks sakto na po ako bukas. Galing akong OB kanina, 2-3cm pero na-dilate ni OB then naging 4cm na. Malambot naman daw cervix ko. Kaso wala akong hilab na nararamdaman. Kagabi magdamag syang matigas na halos di ako nakatulog, pero wala namang masakit. Feeling ko mataas ang pain tolerance ko. Paano po ba ko makakaraos neto? Almost most of the time naninigas na po talaga sya.
Brown Jelly discharge
Mga mommies, kelangan ba humilab o sumakit ng sunod sunod o kaya labasan ng dugo or panubigan bago magpunta ng Ospital? May lumabas kasi sakeng brown discharge na may jelly like na kasama. Pero di kasi ako nakakaramdam ng hilab, naninigas lang tyan ko. 2-3cm na ko kahapon nung galing ako sa OB ko. Malapit na po kaya 'to? Anong sign dapat kong intayin? Salamat po sa sasagot. FTM po kasi ako.
Pampataas ng cm
Hi, Mommies! Last week nagpost ako pampaopen ng cervix, galing akong check up kanina and 2-3cm na daw ako. 🤭 Dinugo din ako nung pagka-IE saken so possible na mag spotting daw. Normal lang daw yun. Pero pag sumakit na daw ng sunod sunod, diretso na ko ospital. Kaso wala pa kong pain na nararamdaman. Naninigas sya pero yung pain tolerable. Saka nawawala pa. Ano kaya maganda gawin para magtuloy tuloy na pagtaas ng cm ko and makaramdam na ng pain? Madami daw akong tubig kaya nakafloat pa si baby, di pa daw sya lumalapit sa pelvic bone ko. Kinakausap ko naman syang wag masyado mag enjoy sa tubig, labas na sya. 😂 medyo masakit na din kasi pag galaw nya e. 38 weeks na pala ko. Salamat sa mga sasagot! 🥰
Full term
Hi, Mommies! I'm 36 weeks and 1 day na today. Kelan po ba ang full term na pwede na ilabas si baby? Gusto ko na kasi sya ilabas pagpasok ng July. 🤭 Medyo hirap na ko sa laki ng tyan ko and excited na rin ako makita sya. 🥰 Madalas na sya manigas kaya grabe na talaga hirap sa pagtulog. Kaso wala pa kong discharge o pain. Nagwoworry din ako na baka mataas pain tolerance ko. Pwede na kaya ako mag exercise o umimom/kumain ng pinya para lumambot na cervix ko? Gusto ko sana pagbalik ko kay OB sa Monday i-IE nya nako. Gano ba katagal bago tumaas ng tuloy tuloy ang cm? Salamat po sa mga sasagot. ❤