If in doubt, don't do it. You have the right to reject pero may ipapapirma yung doctor na waiver na desisyon mo ang hindi mgpa admit. Is it heavy bleeding? may contractions kabang nararamdaman? baka kasi kaya lang ng oral or meds inserted intravaginal, also the OB will do things sa palagay nya ay kailangan at tama (nasa profession oath yan at kasalanan niya kung pabayaan ka) Yung sonologist, doctor po sila pero sa imaging lang nman po ang alam nila hindi sila obstetrician/gynecologist na nag-aral talaga about pregnancy. Please ask more sa OB mo, you have the right to know everything kesa nman ano gawin sayo tapos ang ending sabihin mo WALA KANG NAINTINDIHAN SA PANGYAYARI, responsibility ng doctor yan na eexplain ang lahat sayo.
Mag pa 2nd opinion po kayo, ganyan din ako for IV IG treatment na daw kasi after ng LIT treatment ko di pa din nawala spotting. Kaso ang mahal masyado ng IV IG. Kaya nag pa 2nd opinion kami ni hubby. At nakita na sa cervix nagmumula ang spotting ko may infection daw. Base sa utz ni 2nd OB ok naman si baby and walang bleeding sa uterus kaya no need ng IV IG treatment. Thanks God! Malikot din si baby at tama lang ang laki. Binigyan lang ako ng suppository dahil sa infection and other vitamins and continue lang ang pang pakapit then bed rest. So far ok naman na kami. 😊
nakakapagtaka naman po. ako nga po, nakita sa trans v na may contraction sa uterus. sinabi na threatened abortion, natakot ako. ang recommendation lang ni OB ay bed rest at vaginal insert na pampakapit. after 2 weeks ay ok na. kung ok sa sonologist, ano po kaya ang basehan bakit need ipa admit ni OB? pinakita ba nia ung bleeding? si OB ko, kapag kinapa sa loob, pinapakita nia sakin ung nasa gloves nia then ineexplain nia. kung may infection based sa consistency ng discharge/fluid mula sa loob. ngaun ko lang din narinig ung pampakapit through intravenous.
Sa experience ko, yes nakikita sa papsmear if may bleeding. Nasisilip kasi nila yon. Pwede ka mag bleeding kahit walang subchorionic. Sa 1st pregnancy ko may subchorionic ako pero lagi din sinisilip ni ob vagina ko. Nakikita nya na may onti pa din bleeding and kung ano color. If fresh blood pa or brown (old blood). Nakunan ako non sa 1st pregnancy ko. Sa 2nd pregnancy ko naman nag spotting ako. Normal tvs din, malikot din si baby. Pero pinag pampakapit ako para sure. Bottomline, ob mo yon sis. If wala ka tiwala sakanya, find another one.
Yung OB ko may sarili taga ultrasound sya. and OB sinologist sya.. mas prefer talaga Nila na OB din mag ultrasound kasi mas detalye din Ang reporting nila sa ultrasound. and always have a habit na mag ask sa OB mo regarding sa pregnancy mo kasi binabayaran mo sya for check up eh. And I think pag magaling at batikan na OB mo.. di Sya gagawa ng steps na ikakapahamak mo at Ang baby mo.
for me wag muna magpa admit. every chemical will risk ur baby's health lalo na kung hindi nyo naiintinfihan bakit nyo gagawen. do second opinion if hindi makausap ng matino ung ob mo pero try to ask her muna anong basis ng pag papaadmit sayo when u cant see any prob sa ultrasound.
mas maige magpaadmit at idaan ang pampakapit sa swero . ganyan din ginawa sakin noon skin threaten abortion pa kaya ginawa tlgang admit ako nun para sa mga gamot na pampakapit bukod sa oral na pampakapit.
If in doubt, better to look for a doctor na obgyne / sono ung expertise. If you are in Marikina, I can recommend my obgyne/sono. Siya nag alaga at nagpaanak sakin 🙂
magpa second opinion po muna kayo kung yun ang nararamdaman nyo. mahiral sumuong sa ganyan lalo na kung hindi buo loo nyo
Hanap po kayo ng Ob-sono, kasi minsan pag sono, sono lang talaga sila.
Anonymous