Fur mom and mommy at the same time.

Mga momshie na furmom din pa hellllp! Nai stress na ko sa alaga ko talaga nakakapikon. Tatlo silang aspin. Yung isa nanay tas dalawang anak nya puro lalaki. Nakaraan lang nagpost ako na i ssurrender ko na sana sila sa barangay kasi nga nakakagat ng 4 years old na bata yung dalawang anak tsaka manganganak na din ako walang mag aalaga. Di ko na surrender kasi naaawa talaga ako at nakukunsenya. Pero ngayon parang gusto ko na naman pero yung isang anak lang yung nakakagat talaga. Di ko na sya maintindihan mga mi. Di ko alam kung dahil ba yan sa mga gamot na ininom nya nung baby kasi nga nag 50/50 na sya. Grabeng tigas ng ulo. As in di nadadala. Sya talaga yung bukod tangi. Pinakamatapang, Asmal na to the point na nag aagaw na ng pagkain at higaan ng nanay at kapatid nya. Oo napapalo ko talaga alaga ko pang disiplina na din. Nakatulong naman sa dalawa pero yung isa talaga grabe. Lahat ng makita nginangatngat. Ngayon yung gatas ng pamangkin ko. Nalingat lang ako saglit butas butas na. Tsinelas, charger, mga mahalagang gamit. Normal lang sa iba oo pero di naman ganyan yung dalawa. Nai stress na ko sa isang yan talaga parang gusto ko nalang umiyak sa yamot! Napapalo ko talaga na labag sa loob ko! Gusto ko nalang yatang maging masamang furmom!

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal po. Iba2 po attitude ng aso kahit mgkapatid pa sila (genetically meron falaga silang attitude na nakukuha sa parents nila, meron din sa environment or sa inyo as furparents how you discipline/raise the dogs) Ilan taon nba yan, kasi very common yung pangangagat ng bagay2 sa puppies dahil nagngingipin or kapag bored sila (bigyan mo po ng laruan) pero hindi po okay yung makaka-kagat ng tao you should intervene once aaskyon siya mangagat ng tao. If you can't control your pet, ibigay nalang sa nauukolang opisyal.

Đọc thêm
2y trước

nako mi. Di nakikinig. Di rin natatakot kaya dumadating na sa point na napapalo ko na. Pero tuloy pa din sya. May toys pamangkin ko napunta na sa kanila kasi nga mga nangatngat na nila pero kahit hindi toys nginangatngat pa din. Yung isa may takot na yung isa talaga ang wala.

Sa lugar kasi namin mi di pwedeng nasa labas sila kasi madaming bata. Dikit dikit ang bahay. Pero nakakatingin tingin naman sila sa labas kasi may bintana kami and dun sila lage nakapwesto. Nakakatakbo takbo naman sila sa bahay. Aggresive talaga sila kahit may madaan lang na di kilala galit na galit tas gusto lumabas. Pag sinaway ko nakikinig naman pero paNo kung wala ako. Gaya nung nakagat nila na bata. Wala ako.

Đọc thêm