kasal

Hello mga momshie, meron po ba sainyo dito na wag muna daw magpakasal sabi ng kapitbahay mo? (kasing age mo lang) kase mas maganda daw kung kilalanin mo padaw lalo yung patner mo? Kase sila ng patner nya nagkakalabuan na, tapos lagi sinasabi saken na magagaya daw ako sa kanya. Which is malayong malayo yung patner ko sa asawa nya. Kase yung asawa nya di maiwan ang barkada at lagi gala. Eh ang patner ko naman is laging nasa work at di naman ako pinapabayaan. Diko alam kung naiinggit sya samen kase maganda pagsasama namen. thankyou po sa sasagot

109 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hndi naman sa wag muna magpapakasal. Kilalanin mo muna ng maigi cguro. Pero nasa sayo naman un sis. Ikaw mas nkakakilala sa partner mo maigi. Ako 36 years old na bago nahanap ang forever. Kya nung nafeel ko na eto na talaga, we got married last May 2019. And now were having a baby.

Thành viên VIP

kasal muna... may mga ugali talaga na matutuklasan ka pa sa partner mo... pero hindi dapat yun maging dahilan para hindi kayo magsama ng masaya... kasi if you choose him you need to accept yung negative side niya.... hindi lahat ng tao perfect may mga negative side din tau.

Wag ka msyado makinig sa negative sis, mas higit mong kilala ang partner mo kanino man, at about sa pag papakasal nasa inyo yan kung gusto nyo na pareho at handa na kayo.. nasa pag sasama nyo naman yan at kayo parin ang magdadala wla naman sa maagang pag papakasal or what..

ok lng Kung gusto mo kilalanin si partner. pero wag kayo mag aanak Kung d k p sigurado.. may bata kasing maapektuhan pag nag hiwalay kayo. mas mahalaga Yung buhay ng Bata sa kasal. Kung mag aanak k pakasalan mo n.. Hindi k nmn mag papabuntis Kung Hindi k sigurado diba?

Influencer của TAP

Hi sis ako di naniniwala sa tagal kami ng partner ko 7months palang pero papakasal na. Kayo makakaalam nyan sa sarili nyo if sigurado kana saknya. Wala kinalaman yang kapitbahay mo sa mangyayare sainyo. Mas magnda padin po if magpakasal kayo, blessing ni God yun.

Thành viên VIP

always look at the bright side mommy, wag po kayo makinig sa mga negative side nakaka toxic po un, kasal po kme ni hubby q .. lalung naging strong pagsasama nmen, marame po kmeng natutunan sa marriage counseling iba iba nman po bawat pagsasama. 😊❤🤵👰

Ikaw lang ang makakasagot sa sarili mo sis, dahil bandang huli kahit anong payo ng iba, sarili mo pa din ang masusunod sa tatahakin mong landas. But never compare your partner sa iba as long na nakikita mo yung significance nya. Cheer up! 🤗

momshie, wag mong intindihin sinasabi nia. Hindi lahat ng relasyon pare pareho. ikaw ang mas nakakakilala sa partner mo. kayonv dalawa ang magtutulungan para sa family. yung nga toxic and negative things ilet go mo. Mas magfocus ka momshie sa family mo😉

Thành viên VIP

Nasa sayo po yung desisyon mommy, kung ready ka ng magcommit sa partner mo at sya yung gusto mong makasama hanggang sa pagtanda. Pag kasal ka na po di na po dapat option ang pakikipaghiwalay, pero kung di ka pa po sure don wag ka po muna magpakasal mommy

Thành viên VIP

mas mkikilala mo partner mo kng mgkksma kau sa bahay ng mtgal. Ako ng 9 years kmi ngsama ng tatay ng 2 kids ko, hnd pdn ngwork relationship nmin. psalamat nalang tlga ako hnd kmi ksal. mahalaga na ready kayo pareho at make sure na dlwa kau may gsto.