kasal
Hello mga momshie, meron po ba sainyo dito na wag muna daw magpakasal sabi ng kapitbahay mo? (kasing age mo lang) kase mas maganda daw kung kilalanin mo padaw lalo yung patner mo? Kase sila ng patner nya nagkakalabuan na, tapos lagi sinasabi saken na magagaya daw ako sa kanya. Which is malayong malayo yung patner ko sa asawa nya. Kase yung asawa nya di maiwan ang barkada at lagi gala. Eh ang patner ko naman is laging nasa work at di naman ako pinapabayaan. Diko alam kung naiinggit sya samen kase maganda pagsasama namen. thankyou po sa sasagot
It depends on the situation kung matagal nman na kayo ng partner mo at kilalang kilala mo na sya then push nyo wedding and don't mind your kapitbahay. Pero if bago plang kayo like 1 year Pababa palang may point kapit bahay mo ang kasal kasi hindi yan basta basta lalo dto sa pilipinas mahirap kumawala kaya dapat pag iisipan muna mabuti. lahat ng tao maayos makitungo sa umpisa makikita mo ang tunay na ugali ng tao pag lagi at matagal mo na nakakasama. Kami ng asawa ko 4 years na kami bago nag pakasal at lagi narin ako sknila kaya simula 1 year namin halos araw araw kami mag kasama pati ugali ng in laws ko alam ko na alam ko ang good and bad side nya at alam ko na Ihandle yun. Baka concern lng si kapitbahay kasi base sa experience nya.
Đọc thêmfor me mas okay sakin na ikasal na kayo, dati ganyan din pananaw ko, wag muna ikasal at kilalanin muna, eh buntis na tayo momsh. Need natin ng kasiguraduhan. In my own opinion po, gusto kong ikasal na kami hopefully next year para ma-sure ko future ng baby ko, magloko man sya may laban ako, hindi nya pwedeng hindi sustentuhan baby ko if ever magkalabuan kami, obigasyon nya yon, pag hindi kasi kayo kasal pwede nyang takasan responsibilidad nya kasi wala naman kayong pinanghahawakang legal eh, o kung mangbabae man sya, magsama sila ng kabit nya, wala silang mapapala, kabit sya forever at yung magiging anak nila anak sa labas forever (opinyon ko lang po ito...wala po sanang violent reaction)
Đọc thêmSa experience ko naman at the age of 19 nag decide kami magpakasal Kasi buntis ako Sa panganay namin at kinailangan namin magpakasal talaga Kasi mag kaiba kami nang paniniwala , daming mga pagsubok Lalo na at Hindi patalaga kayung dalawa mature enough to handle marriage life. Merong pagkakataon na gusto munang sumuko Kasi syempre Saka naman talaga lalabas ang ugali nang Tao pag magkasama na kayo sa iisang bubong, Kaya for me it's better na isipin talaga ang pagpapakasal,lifetime commitment Kasi Yan . PS: masaya na kami ngayon 😊 Dati kasi may mga haliparot🤣 charot, para maging matagal ang pagsasama e center nyo Si God Sa relasyon nyo.God bless everyone ❤️❤️
Đọc thêmActually I also recommend sa friends ko magsama muna before magpakasal. Sampung taon na kami ng bf ko muna before kami nagsama. And it was my idea. During that time may mga ugali siya na noon ko lang nakita, di ko alam un sa loob ng 10 taon. At natanong ko sa sarili ko if kaya ko intindihin ung mga ugali niyang un kapag pinakasalan ko siya. I decided kaya ko naman kag adjust dun sa mga ugali niyang di ko gusto. Married na kami ngayon. Wag mo masamain ung payo ng friend mo, wag mo personalin, higit sa lahat hindi siya inggit sayo. Ayaw niya lang mangyari sayo ung nangyari sa kanya. Di mo talaga makikilala ng husto ang tao hanggat di mo nakakasama sa iisang bubong.
Đọc thêmyeah right!😌 kaya kmi ng mister ko nagsama muna ng 12years saka nag pakasal😌 15years going strong parin kmi..
22years old kami at 5years kami inrelationship tas saka po kami nag dicsyon na magpakasal na pareho kami nag dcsyon na gusto na nmin kahit hirap kami maka buo baby gusto parin namin na mag pakasal kc gusto talaga namin ang isat isa hanggat sa 3days bago wedding nmin nalaman ko buntis ako .ayon happy kami subra kc blessing talaga c baby.tas ok naman ung married life namin mahirap pero kaya naman.kc wala kami inaasahan magulang kundi kmi dalawa lang ng husband ko magkasama .dapt mag pakasal kau kung handa na kau kac mahirap ang buhay pag kau nalang mag hahanap buhay para sa pamilya nyo ..pag icpan mo po na kayo nyo mag sama kahit sa hirap.
Đọc thêmActually for me it makes more sense na magsama muna bago magpakasal. Kapag mag bf/gf kasi kayo na nagkikita lang sa dates, may mga ugali pa din kayo na di nyo pa alam sa isa't isa. Like kami ng husband ko ngayon 7 yrs kami magbf/gf tapos nag live in kami ng 1 year before we got married. Dun ko nalaman na sobrang magastos pala sya and dun nya nalaman na sobrang makalat ako. We learned to adjust to each others shortcomings. Tyaka ang marriage kasi dito sa pilipinas parang life imprisonment. Wala ka nang kawala once na magpakasal ka. So better to try muna na maglive in see if you can work with whatever shortcomings he has and vice versa.
Đọc thêmMas maganda pa dn na magkilanlan kayo mabuti ng partner mo sis bago magpakasal. Sa experience ko cguro lahat n ng pagsubok eh nadaanan n nmin, for 14 years na kaming magka live in ni partner at meron kaming 1 anak na 13 yrs old. Sa pagsasama namin 2 bes kaming naghiwalay dahil sa panloloko nya. Ang sakin kc pag kasal kna, ang hirap humiwalay, hindi katulad ng LIP pag gumawa siya kalokohan alsa balutan kagad 😂 parang mas malakas ang loob ko gawin un dahil unang una ndi kami kasal, pangalawa isa lng anak namin at pangatlo may trabaho ako na kayang sustentuhan pangangailangan ng anak ko. In God's time and will, pakakasal dn kami
Đọc thêmI think concern lang po siya sayo. Wala namang masama dun, sinabi niya lang or inadvice niya based on her experience kaya niya sinabi yun sayo. Nasa sayo parin naman po yun kung itutuloy o magpapakasal ka. May point naman siya na kilalanin muna lalo na kung bago palang kayo. Kahit pa maayos o alam mong nagtatrabaho asawa mo hindi mo parin maiiwasan mag isip lalo na pag nagtagal kayo. Maraming magbabago. Swerte mo po kung consistent yang partner mo. Wala yun sa inggit kasi kung inggit siya sayo hindi ganon approach niya.
Đọc thêmIn my own opinion, YES huwag muna. Marriage is not a race nor a competition. It is a very serious lifetime commitment. Once pinasok mo yan and the honeymoon stage is over, there's no turning back. Marriage takes a LOT of work to make it work. Hindi yan puro kilig2 lang. So better don't rush things. Your neighbor was right, dapat kilalanin mo muna ng mabuti yung taong pakakasalan mo. Take your time, enjoy the moment and don't pressure yourself. You will get there when the time is right.
Đọc thêmIn my opinion mas magandang wag muna talaga. Mas maganda magpakasal when you are both ready for marriage life. My partner and I are almost live in for 2years and soon to become a family of four hanggang ngayon di rin kami kasal. Palagi namin tinatanong sa isa't isa if ready na ba kami? Nakita ko na bad sides ng partner ko but i still love him kasi tinanggap niya din bad sides ko. Pero hindi pa kami pareho ready sa marriage. Pero desisyon mo yan sis you just have to think twice bago magdecide.
Đọc thêm
Excited to become a mommy :)❤