Bakit umaalulong ang aso? scientific explanation please
Hi mga momshie goodevening po. ngayong gabi lang po nangyari to ano po meaning kapag mismong aso niyo po ang umaalulong natatakot po kasi ako gabing-gabi na pati mga aso ng kapitbahay namin nag sisi-tahulan at alulong. Dami nagsasabi kasi matatanda na "senyales na may aswang sa paligid" pero gusto ko sana yung totoong explanation P.S Hindi po masyado mataong lugar tong street namin lalo na kapag gabi
basa ko ito sa Bulgar Online - Iba't ibang dahilan ng pag-alulong ng aso Maraming dahilan kaya umaalulong ang aso, lalo na sa gabi. Ang unang dahilan, may nakikita siyang kakaiba tulad ng kaluluwa, aswang at iba pang maligno dahil totoo na ang mga mata ng aso ay matalas kung saan sila ay nakakikita ng hindi nakikita ng tao. Sa kanyang pag-alulong, kapag may multo at iba pa, ang kanyang buntot ay nakabahag na papasok sa loob ng katawan ay nagsasabing siya ay takot. Mabilis na pag-alulong kapag malapit lang sa kanya ang mga multo at iba pang nakakatakot na nilalang. Mahabang alulong naman kapag malayo sa kanya ang mga ito kung saan ang leeg ay kanyang inuunat bilang palatandaan na nasa malayo ang kanyang nakikita. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay umaalulong ang aso dahil lang sa multo at iba pang lamang lupa. Umaalulong din siya kapag parang nahihiwagaan siya sa kanyang nadarama at nakikita, tulad ng kapag bilog na bilog ang buwan sa langit at ang paligid ay sobrang maliwanag dahil sa liwanag ng buwan. Kapag naramdaman niya na may kakaibang nangyayari sa lupa, tulad ng paparating na lindol, ang aso ay aalulong din. Kapag naramdaman ng aso na may naghuhukay sa lupa tulad ng ginagawa ng “Termites Gang”, ang aso ay puwede ring magbabala sa pamamagitan ng pag-alulong. Kapag ang aso ay may nakitang biglang paggalaw ng mga puno o sanga ng mga punong-kahoy sa malayo, siya rin ay maaaring umalulong. Sa biglang pagpapalit ng simoy ng hangin kung saan mainit at biglang lalamig, ang aso ay aalulong. Kapag ang aso ay nakakita ng tao na hindi niya gusto ang suot o porma at kilos na nasa malayo, siya rin ay aalulong. Bukod sa mga nabanggit, ang aso ay umaalulong kapag siya ay may sakit, lalo na kung ang kanyang sakit ay sa anumang bahagi ng sikmura o tiyan at iba pang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga organs. Ang ganitong pag-alulong ng aso dahil siya ay may sakit o karamdaman ay ang pangkaraniwang dahilan ng kanyang pag-alulong. Dahil dito, inirerekomenda na mas maganda kung dadalhin siya sa isang beterenaryo o doktor sa mga hayop upang siya ay masuri. Oo, bawal manakit o pumatay ng mga hayop, aso man o pusa o kahit na anong hayop dahil may batas na nagpaparusa sa mga gagawa ng “cruelty to animals.”
Đọc thêmMatandang paniniwala na mommy na kapag daw ang aso ay umalulong ay may mamatay. Dog lover ako, i have 1 shih tzu and 3 labradors. There were times na umalulong yung alagang aso nung neighbor namin, narinig ng mga dogs namin umalulong na rin sila at yung ibang mga dogs din sa neighborhood. Isa sa way of communication ng mga dogs ang howling. According nga sa vet ng mga alaga ko, aside sa way of communication minsan ay yun ang reaction nila sa mga high pitched sounds, or kung gusto nila iparamdam yung presence nila sa iba or kapag mating season. 😊 Kaya nakakalungkot na yung ibang mga dogs kapag umaalulong is pinapatay na lang ng mga owners nila dahil hindi sila well informed at sumusunod pa rin sa superstitions na wala naman talagang scientific basis.
Đọc thêmNormal ang howling sa dogs kasi way of communication nila yan. Minsan response din nila yan sa high pitched sounds. Minsan nagpapapansin lang. Normal ang howling at talagang dito lang sa Pilipinas binibigyan yan ng ibang meaning. More likely pamahiin lang po yun at walang scientific basis so kalma lang po tayo. Bawal mastress. :)
Đọc thêmGanyan din po dto samin,,nung nakaraang linggo aso ng kapit bahay namin gabi gabi umaalulong,tas kahapon namatay din kapit bahay nmin may sakit..tas yung aso kagabi d na namin narinig na umaalulong.. Kaya pag may umaalulong na aso dto samin,naghahagis kmi ng asin at bawang sa bubong nmin..wla naman mwawala kung sundin ang pamahiin..
Đọc thêmIt's hownthey express their emotions po. We have huskies and kung maniniwala kami sa pamahiin naku mappraning kami kasi lagi sila naghohowl. Lalo na pag aalis kami at hahabol sila hehe.
ayon sa kasabihan may mamatay daw meron naman may nakikita ang aso niyo na hindi niyo nakikita kaya sya nag aalulong
kapag po umaalulong ang aso nghahanap po yun ng mkakasex... seriously... it means mating season po
dog lover po kasi ako... medyo annoying din kasi yung mga pamahiin at mga matandang kasabihan.
Kayo nga po kapag dinodogstyle umaalulong din eh. Wag po masyado OA . Ganun po talaga.
Normal lang yan mommy. Huwag maniwala sa mga superstition ng matanda.
may naglalandi.lang sakanila :) if pet lover ka normal lang Yan
Momsy of 1 active cub