Wag ka masyado mastress, momsh. Lahat ng ultrasound paiba iba po talaga, kasi nagbabase yun sa laki ng baby. Pero ang sinusunod ng OB is yung 1st transV ultrasound. Saken 1 week pinakamalayong agwat ng pagitan ng ultrasound ko kaya ang hirap, pano kung maoverdue ako. Pero ayun nga, as long as maganda naman developments ni baby di ka dapat magworry. Alam naman ng OB naten yung safe para saten at kay baby. So dapat lagi sabihin kay OB kung may worries ka.