77 Các câu trả lời
Nung binakunahan baby ko pagkauwi nmin sa bahay nilagyan ko agad ng hot compress.. actually cold compress ang inadvise sakin kaso nadala ako nung unang bakuna nya,sinunod ko ang cold compress kaya halos buong maghapon siyang nag iiyak dahil ramdam na ramdam nya ung ngalay at sakit..hndi pa nya maigalaw paa nya.. Kaya ngaung pangalawang turok nya,hot compress na ginamit ko tapos massage,pinainom ko na din agad ng paracetamol kahit wla pa xiang sinat,sa awa ng Diyos,hndi xia nag iiyak tulad ng dati. nakakatulog pa ng mahimbing
hi mommy..normal temp pa naman po ang 36.4 pero if ever umakyat na sya sa 37.5°c painumin niyo po siya ng paracetamol..but the dosage po ay dapat isangguni muna sa doctor..pwede nyo naman po sya i spongebath para bumaba temperature nya and if ever lumagpas ng 24 hrs nilalagnat pa din, better consult na with a pedia kasi di na daw po ito epekto ng bakuna - ito yung instructions sakin ng doctor during our vaccine. ps. join us on Team Bakunanay group sa facebook: www.facebook.com/groups/bakunanay
Hi Mommy may mga bakuna talaga na minsan lalagnatin si baby and that is normal reaction lang po. Pero if nasa 36.4 na po ang temp niya wala na po siya lagnat. Pero kung lalagnatin pa rin siya ng matagal for more than 2-3 days better consult your pedia na po
Sponge bath mommy at dry kaagad. At control din ang temperature ng room. Wag masyadong mainit o malamig. Peru make sure po na kapag magpa inum ng paracetamol ang temp ng anak is 37.8 C and above. Peru tamang pahinga at pagkain pa rin ang kailangan.
normal temp ng baby 36 hanggang 37 ang lagnat po mamsh ay 38 pataas. if lagnatin po si baby after vaccine may reseta naman ang pedia na paracetamol and kung ilang ml base sa weight nya :) and kung lagnatin man punasan mo lang :)
Hi Mommy, normal na lagnatin ang baby after bakuna, kailangan lang sya imonitor at bigyan ng paracetamol kung tataas pa ang kanyang body temperature. Put cold compress on the injection site
Hi mommy! Normal temperature na po yan pero pag nilagnat pa po ulit ang advise lang ng pedia namin ay painumin ng paracetamol pwede mo din lagyan ng cool fever si baby 😊
normal pa naman po mommy temp niya. punas po ng bimpo and give paracetamol based sa reseta ng pedia. although baby ko sinusuka paracwtamol so bimpo bimpo lang po kami
normal pa po yan pero if incase mag 37.5 na sya try nyo po punasan ng basang bimpo and inom ng paracetamol. Then observe within 24hrs kung tataas pa yun temp nya.
Okay pa naman temp Mommy. Umiiyak ba or uneasy sya? Cuddle lang kasi minsan after bakuna 😊 kapag lumagpas sa normal temp painumin nalang po ng paracetamol.