Excited Pregnant Mom
Mga Momsh Totoo Ba Yung Kapag Maaga kang Bumili Ng Mga Damit Or Gamit Ni Baby Kahit Dimo Pa Alam Gender .. Di Daw Matutuloy Pagbubuntis? Sinong Naka Try Ng 2 Months Up Plang Preggy Bumibili Na Ng Gamit at Damit Ni Baby Ng Paunti Unti.? Kumusta Pagbubuntis Nyo..?
Aq 5 months palang kumpleto na gamit ng baby ko ... Inuunti into ko weekly... Tapos ung 4 months na natitira bago ako manganak Pera na weekly para sa pampaanak ko ung iniipon ko ....Wala kc ako philhealth nuon ...tinakot kc ako ng mama ko na pag ala daw akong pera pampaanak iwanan Nia saw ako sa hospital at di Nia daw ako panghihinge mg tulong kahit kanino..nakatulong Naman cnabi ng mama ko ...Natuto ako magsave ng pera
Đọc thêmAyaw kasi ako pabilhin ng MIL ko nung 1-6 months ng pregnancy ko kasi daw baka malaglagan, pero alam ko naman na pamahiin lang yun. Kung papipiliin ako mas gugustuhin ko na habang maaga kahit na ba 1 month pregnant palang ako ay maunti-unti ko na. Less hassle din kasi pagkamaaga palang may naiprepare ka na. Good luck on your pregnancy! Keep safe and be healthy!
Đọc thêmAko 6 months ako bumili 3 set ng dmit tpos lampin. Naisip ko din yon na pamahiin pro inaalagaan ko nmn mbuti si lo ko. Naeexcite n ksi ako kaya di ko mapigilan haha. Saka mas maganda paunti unti ksi pag biglaan mdmi mkakalimutan and grabe gastos.
Naku wag nman sana,4 months plang tyan ko namili na ko ng pailan ilan, nagsale kc sa lazada and shopee, yung mga baru baruan ang wla pa..
Hahahaha di naman po yun totoo. Mas maganda nga at ready na gamit ni baby bago pa sya lumabas
Hay salamat makakabili na sguro ako 3months preggy na ako. Pakonti konti makabili na.
Kht mga 7 months na mas okay alam mo na yun gender mamsh para mas masaya mamili 😊
di po totoo mama ko bili na ng bili ng gamit simula nung nalaman preggy ako. haha
Hindi po totoo, kasi ako hindi ko pa alam gender ni baby bumibili na ako.
Not true. Nasa tao na lang yan momsh kung maniniwala sa mga kasabihan😂