First Time Ma IE

Mga momsh tanong ko lang po kong naranasan nyo rin po ba ito.. Nong monday po kasi nagpa check up ako at first time ko pong ma IE at 39 weeks sabi sakin close cervix parin po ako pero malambot na cervix yon nga lang po makapal pa tapos kinaumagahan po pagkagising ko my kasamang dugo ihi ko tas my brown discharge po meron ding white discharge na my kasamang dugo at hanggang ngayong umaga po meron parin sumasakit din po puson ko pero unti lang normal lang po ba yon? Kahit na sinabi po sakin na close cervix po ako? First time ko lang po kasi magkaroon ng ganong discharge simula nong nagbuntis po ako .. TIA mga momsh😘😊 FTM❤️

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din po nangyarai sakin kaya nag pa schedule po ako sa ob ko and pag IE nya ulit sakin is 4 cm na tapos sabi nya malayo pa namn daw so pina uwi nya ako tas mga bandang hapon sumasakit na talaga hindi na sya tolerable kaya nag pa admit na ko and pag IE ulit sakin is 6cm na kaya di naku pina uwi kinagabihan full na siya and sa awa nang diyos lumabas na si baby. She is 1 week old now 😇

Đọc thêm

Kapapa IE ko lang ulit mga momsh close cervix parin daw ako nakaka worry na😔 gusto ko sanang sa lying in nalang manganak kaso sabi sakin obserbahan ko muna baka daw po kasi gusto ng lumabas ni baby pero close cervix parin ako kaya dapat sa hospital daw ako manganak.

4y trước

Mamsh,makinig ka po sa doctor mo. Para sa safety nyo magina yan. Kapag sinabi ni doctor mo na sa ospital,meaning,maselan ang panganganak mo at mas magiging maayos ang panganganak mo kung sa ospital ka.

Sakin dn after ma ie pinauwi ako kasi matigas pa saw cervix at 2 cm pero after ilang hours may dugo na then midnight continous na sakit ng puson ko. Kinaumagahan nanganak na ako. Lakad lakad ka mamsh. Lapit na yan.

Thành viên VIP

1st time ko din ma IE nuon nung nagbubuntis palang ako. After ma IE natural lang daw na magkakaroon ng discharge kasi nag open daw cervix kaya medyo may pag dugo.

consult your OB momshie baka open na sya kahit 1cm.

Thành viên VIP

Opo normal ung n may dugo minsan after IE