15 Các câu trả lời

VIP Member

Naramdaman ko yung pain nung nag 8cm na ang cervix hanggang sa di nako mapakali. Yung feeling na sobrang sakit ng tyan mo kase natatae ka pero ayaw lumabas. Di nyo naman po mararamdaman yung mga pagpunit or pagtahi. Pero depende din po siguro kung mataas ang level ng pain endurance mo. I gave birth without epidural kase😅

VIP Member

Sa paglilabor ako nahirapan ng sobra almost 24 hours ako naglabor di ako makatulog makakain ng ayos kasi mayat maya sumasakit puson ko..pero nung nanganganak nako wala ako naramdamang sakit ramdam ko lang paglabas ni baby...pero nung tinahi na ang ari ko naiiyak ako sa sakit kasi ramdam ko talaga yung tusok ng karayom

As a first time mom sobrang hirap po kase sa paglalabor pa lang sobrang sakit na Lalo na nung tinurukan pa ko ng pampahilab di kase nababa si baby yun pala nakabuhol ang pusod niya hirap na hirap ako umire akala ko mamamatay na ko nun. Sa awa ng diyos nailabas ko baby ko ng ligtas tapos malusog.

para po sakin labor ang pinaka masakit kasi pag lumabas na sa baby sarap feeling ung tinatahi kasi prang kagat na lang ng langgam pra sakin 😅

Sabi din po ng mama ko, parang kagat lang daw po ng langgam bawat tusok ng karayom.

Super Mum

Pinakamasakit yung paglabor😂

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan