Paano ko sasabihin?
Hi mga momsh. Sa mga katulad ko na maaga nabuntis at the age of 23 yrs old and nag aaral pa. Paano niyo po nasabi sa parents niyo na preggy kayo? Panganay kasi ako sami graduating palang din. Di ko talaga alam paano sasabihin.
Im now 22 yrs old (13weeks preggy) sobrang taas din ng expectation sakin ng parents ko. Sa sobrang pagkastrict ng tatay ko nung nag aaral pa ko until now sobrang proud nya saming magkakapatid kasi napagtapos nila kami. But now, 1year since nung grumduate ako nabuntis ako pero okay naman kami ng tatay ng baby ko. Nagipon ako ng lakas ng loob bago sabihin at inexpect ko na din kung ano mga sasabihin nila sakin dahil nasayang ko mga pinaghirapan nila, nakakaguilty pero nandito na to eh. Pray lang ang kailangan.
Đọc thêmI'm 23 years old and i'm 13 weeks preggy na . Ngayong araw lang kami nagtapat sa mga magulang namin and so far natanggap naman nila .no need to be sorry daw dahil blessings daw yun.. una takot na takot kami but syempre nanalangin kami at un nga nung umaga kanina nagtapat na kami at okay naman both sides graduate na ko and kasalukuyang ngwowork . Hindi naman mawawala ung dissapointments . Makulungkot talaga yan pero anjan na yan . Mauuna pa yan maexcite sau pag lalabas na yam tiwala lang . Congrats
Đọc thêmSame here momsh 23 yrs old din ako. 5 months nako pregnant and diko masabi sa parents ko. Though may stable work nako I know from the start na complicated coz yung father ng baby ko may family (di kasal and hiwalay sa live in partner). I asked him about his plans samin ni baby pero sorry lang sinagot nya. As of now no check up and all necessary things na needed ng pregnant. But, I'm planning na ituloy tong baby. Mejo lucky kapa kesa sakin momsh kaya go na para ma support ka pa ng parents mo.
Đọc thêmAt the age of 21 nalaman kong buntis ako and graduating ako that time sinabi ko kaagad sakanila kasi sila ang alam kong makakatulong sakin. Oo magagalit sila pero blessing daw ang mga baby may purpose kung bat binigay agad sya sakin. At the age of 22 naipanganak ko sya. And now 2 months and 3 days na sya ngayon pero ang mga lolo at lola nya di sya mabitaw bitawan. Matatanggap nila yan mamsh pray ka lang. Mahirap magtago sa mga magulang. Sila ang makakatulong satin kahit anong mangyari.
Đọc thêmSame here po, panganay din, 22yrs old na, pero 2yrs na ko graduated ng college.. Nung ako po nabuntis agad ko sinabi, even may takot na baka magalit sila at di ako tanggapin, ok lang.. Kasi it's my fault naman but I'll take the responsibility na palakihin si baby ko.. 😊 Sa una lang po mahirap, but take courage, whatever happened, take the responsibility para kay baby.. At ituloy nyo parin po ang pag aaral nyo.. Konting tiis nalang.. 😊 Kaya mo po yan, God bless.. 😊
Đọc thêmAko nga po 20 years old 33 weeks pregnant. 2nd year college po ako. Nahirapan ako magsabi sa parents ko at first. 5 months na nun bago ko nasabi. Sobrang takot ako pero need ko na talaga magsabi kaya nilakasan ko loob ko for the baby. Thankfully, tanggap na nila ngayon. Lalo na ng papa ko. Pero nung una nagalit talaga, stress ako non pero nung tumagal natanggap na nila as ling as tuloy pa din studies ko. Ayoko din naman kase tumigil. 🥰 Tiwala lang po.
Đọc thêm21 years old ako nung nbauntis. Ang aga diba.. Pagkaalam ko palang nagsabi na kame sa ng asawa ko sa kuya at ate ko, tapos sila na nagsabi sa mudra ko. Hehehe. Tpos ayun after 1 day ok na sa nanay ko. Sabi pacheck up na daw ako. Bnilhan na din ako ng mga needs ko and vitamins. Pero xmpre alam kong nalulungkot pa din sila, pero matatanggap naman nila yan. Lalo na pag manganganak kana,sila pa mas excited. :)
Đọc thêmI was 19 yrs old just graduated but thankfully may work agad. 6mos na ako nung nalaman nila, 'di ko sinabi pero napansin ng tito ko na parang buntis daw ako so sinabi niya sa mama ko. Dun na ako umamin nung tinanong ni mama. Honestly, di sila super nagalit nung nalaman na nabuntis ako, mas nagalit sila na hindi ko sinabi agad para maguide kami ng boyfriend ko throughout my pregnancy. So, sabihin mo na habang maaga pa.
Đọc thêmtrue hindi sila nagalit sakin dahil nabuntis ako nagalit sila dahil tinago ko sobrang tinago ko takaga ang pagbubuntis ko sobrang hirap magbuntis ng walang natulong sayo kaya sabihin mona habang maaga
mga momies and incomming mommies... sabihin nyo po sa mga magulang niyo.. di nmn kayo matitiis na hindi tanggapin sa sitwasyon ninyo ngayon.. in my experience i got pregnant when i was 15 then now im 23 yrs old with my 7 yrs old daughter na already married na din last june 2019 with the same man. and now having our 2nd baby due date this month. 😊😍 mga moms keep it up! kaya nyo rin lahat pagsubok..
Đọc thêmI was 26 nung nabuntit ako. Now 27 na and currently on my 25 weeks of gestation. Sinabi ko na nung 3 weeks ako buntit. Kinabahan din ako but better na malaman ng parents ng maaga. Maging late man ang pagsabi mo sa kanila, same parin ang mangyayare eh. One week ako pinagalitan. After nun, nawala na. Mas sila pa ngayon excited. 😅 Kaya mo yan, sabihin ng maaga para matulungan ka sa mga needs mo at ni baby.
Đọc thêm
First Time Mommy at the age of 23 ?