Paano ko sasabihin?
Hi mga momsh. Sa mga katulad ko na maaga nabuntis at the age of 23 yrs old and nag aaral pa. Paano niyo po nasabi sa parents niyo na preggy kayo? Panganay kasi ako sami graduating palang din. Di ko talaga alam paano sasabihin.
Sobrang nacurious ako sa cases nyo, kids. Honestly, cultural ata yang fear na yan, lalo na sa ating mga pinay at lalo na pag di ka pa married. I swear it doesn't change. I got pregnant at 38, tinakasan ako ng tatay (ok lang wala syang silbi, magandang lahi lang). I told my parents via skype kasi nasa abroad sila nakatira. takot na takot ako kasi freelance artist ako so i still ask them for help sometimes. Nag resign kasi ako 5 years ago from a really good job para lang mag asikaso sa business ng tita ko na maliit lang ang kita. Sows, nanay ko sabi sa kin kung kelan daw ako tumanda shaka ako humarot (shempre di nya alam na matagal na ko maharot 😂😂 gusto ko na kasi mag anak sa edad ko pero ayoko mag asawa). Dad ko sobrang cool. Asked me what i needed. Sabi ko love lang. Di daw magbabago ang love. Sayang di ako nakahingi ng 100k charot. Fast forward to now, i have a loving LIP. Umuwi dad ko for a vacation. We told him na i am 3 months preggy and he is always as happy. We are still figuring out how to tell my mom. 40 na ako ngayon. 😂😂😂 Dinamay ko pa tatay ko sa task of telling her. Bilin nya kasi sa akin 3 months ago nun nag visit ako sa kanila, na wag ako gagawa na naman ng kalokohan. Super conservative ng mom ko kasi. Anyway, we will always be our parents children ( kahit ano age natin) who they will love unconditionally. Better tell your parents as early as possible. Marami pang mas malungkot na bagay kesa malaman nila na buntis ang anak nila. Chin up, girls, life will always get better.
Đọc thêm20 yrs old ako nung nalaman ko buntis ako. Nasa isip ko that time, ayaw ko ipalaglag little one ko. Bago nalaman mga magulang ko nagsama na kami ng bf ko pero nag aaral parin ako kasi di pa naman halata. He is a muslim and I am a christian. Kinasal kami sa kanila, parang blessing lang daw yun oara di malasin pagsasama namin pero hindi ako nag divert ng islam, still christian parin ako. Bago pa nag one month, kinain na ako nang konsensya ko, naglakas loob ako umuwi samin kasama hubby ko. Ang awkward, para akong natatae sa kaba. Pero nilakasan ko loob ko sinabi ko sa mama ko, nadissapoint siya kasi ako nalang inaasahan nang family ko na makatulong sa kanila. Pero tinanggap parin ako ni mama. Wala akong lakas loob na sabihin sa papa ko, kaya tinulungan ako ni mama. Halos wala akong masabi sa harap ni papa, si mama lang lahat ang nagsasalita. All throughout the day, tahimik lang ako pero tinaggap parin nila ako at ang hubby ko. Ngayon, mangangak na ako at sobrang excited nang parents ko makita apo nila. Yung mga magulang, kahit magalit yan o ma disappointe magulang parin sila at di nila kayang pabayaan anak nila, especially knowing na magkakaapo sila. Trust me sis, ang gaan sa pakiramdam pag nasabi mo na.
Đọc thêmJust share my story , 25 years old 3 years ng may work and nagpapagawa ng bahay ng parents ko .Una sa lahat mataas expectation nila sakin since panganay ako ,ako ang unang nakagraduate samin .Way back 12 years na kami ng jowa ko pero tinago namin sa father ko ang relationship namin although alam na niya di kami showy and ayaw siya ng father ko .Nagtuturo ako sa Manila then decided na magsama na kami ng jowa ko before ako umuwi nagPT ako then found out buntis ako .Unang ginawa ko umamin na ako sa nanay ko kasi bilang nanay alam ko maiintindihan niya ako then saka ko sinunod sa tatay ko yung 1st week talaga ang di ko makakalimutan grabe ang galit sakin almost gabi gabi umiinom siya di niya matanggap na ang paborito niyang anak pangarap noyang maging abogado ay nabuntis pero kasama ko ang jowa ko kasi responsable siya.Nung una denial pa ako pero nahalata ng tatay ko amg tyan ko then unti unti kong inamin nagsorry ako pero sinabi ko di pa tapos ang lahat ng pangarap nila sakin .Ngayon tanggap na nila sila pa kasama ko sa pagpapacheck up .Tandaan mo walang magulang na gustong mapahamak ang anak kahit anong mali natin tatanggapin tayo .Ganoon nila tayo kamahal❤.Goodluck
Đọc thêmSame here momshie, 22 years old palang ako and internship ko na sana pero nabuntis and panganay din ako saming tatlong babae na magkakapatid. I was afraid at first kasi syempre nasa akin lahat ng pressure dahil panganay nga and they're expecting me to graduate na next year pero di ako natuloy kasi nabuntis and bawal ang buntis sa internship namin since Physical Therapy student ako, need magbuhat ng patients etc. I kept it for a week lang then pinagisipan ko ng mabuti kung paano ko sasabihin nagipon ako ng lakas and finally nasabi ko din sa kanila na preggy na ako. I thought na magagalit sila and papalayasin na ako pero hindi and now they're so supportive of my pregnancy since single mom na ako kasi iniwan na ako ng papa ng anak ko while I was only 5 weeks preggy. Be honest lang sa parents mo mamshie, no matter naman kasi anak ka pa din nila and matatanggap ka pa din nila. Trust me mamsh, every will be okay and makakahinga ka ng malalalim kapag nasabi mo na sa kanila yung situation mo. Smile lang always para happy si baby. God bless you! 😊
Đọc thêmsame situation tayo sis. relate relate. 23 yrs old lng din ako now. kakagraduate ko lang nung May31. nag martsa ako kahit buntis at malapit ng manganak. june 21 ako nanganak. nalaman na lang nila nung halata na tyan ko. 7 months nung last week of april. tinatanggi ko talaga nung una, pero alam kong alam na nila yun. may disappointment pero atleast nagawa ko pa rin grumaduate, kaso nga lang hindi na ako nakapagtake ng board exam nung september, and until now nagdadalwang isip padin ako kung magtatake ba ako this coming april 2020, kalaban ko ang PPD now, and hindi ko maiwan baby ko. But now sobrang happy parents ko kay baby and first apo kasi nla.. tiwala lang kay Lord, lilipas din yan, matatanggap din nila yan. Pray lang. laban lang.
Đọc thêm23 years old din ako nabuntis but turning 24 that time but I think tama lang yung edad ko nabuntis since graduate na din ako at may work. Yung bf ko nagsabi sa parents ko nagpunta sya sa bahay at kinakabahan talaga ako nun. Syempre medyo emosyonal yung mama ko at yung papa ko naman kalma lang at tinanong kung ano balak namin. Naging okay naman ang lahat after nun ilang weeks lang nag sama na kami sa bahay ng bf ko. Mas maaga sabihin niyo na kasi ako 4 months na ako nung sinabi namin kasi dinedeny ko pa sa sarili ko na buntis ako kung di ko lang naramdaman na may matigas sa ibaba ko. Kakapanganak ko lang nung May 4 malapit na mag 1 month baby ko.
Đọc thêmSame lang tayo. Hindi ko sinabi pero the day palang na nadelay nako. Tinanong nako agad ng nanay ko which is wala akong masagot kasi di ko pa alam. And kung alam ko di ko kayang sabihin. Kaya ayon 2 months na confirm ko and pinaamin nya ako kasi nakikita niya yung mga signs sakin. Mahirap umamin sa part ko kasi nag aaral ako and hindi nila gsto boyfriend ko. Nagalit sila pero at the end of the day sila parin karamay ko. Di ako nagstop sa pag aaral. Sinusuportahan padin nila ako at katuwang sa pagaalagang anak ko. Wag ka matakot. Alam mo sa una lang sila magagalit ng sobra. Pero tanggapin mo lang nagkamali tayo e. God bless
Đọc thêm20 years old ako ng nabuntis, nakapag tapos na rin ng pag aaral, kaya plano na namin ng BF ko yon, sya rin ahead sya sakin ng 2 years tapos na rin sya sa pag aaral, nung unang pacheck up ko, pinakita ko lng sa mama ko ung ultrasound and natuwa sya, hindi sya nagalit, maski mga kapatid ko... Ganon din sa side ng bf ko, parehas kasi kami bunso, alam namn kasi nila na madiskarte kaming dalawa ng bf ko, kaya ngayon na 5 months na king pregnant, sobrang excited na kami! Kaya mommy pag labas ng baby mo lahat ng galit nila mapapawi, blessings si baby para satin...
Đọc thêmmas magandan kung sabihin mo ng maaga matatanggap din nila yan natural reaction lang ng magulang na magalit nakakastress pero lilipas din yung galit nila. 19 years old lang ako 9 mons preggy na ngayon senior high student kung kelan nag aral ako ulit saka ako nabuntis kaya nahirapan ako magsabi . last month lang nila nalaman na preggy ako saka lang ako nagsabi kung kelan malapit na ako manganak kaya sila nagalit sakin pero natanggap din nila agad . tsaka ang hirap magbuntis ng walang naggaguide na magulang kaya habang maaga palang magsabi kana ☺️
Đọc thêmMas bata po po ako sayo 18 years old palang ako 4 months preggy at incoming 2nd year college palang. Yung boyfriend ko po yung nagsabi sa mama ko tapos kinausap nya lang kami about sa plan namin sa bata. Totoo una magagalit sila pero maiintindihan ka nila at tatanggapin rin masarap sa feeling kapag nasabi mo na sa parents mo sila pa ang mas excited kaysa sayo at mararamdaman mo talaga yung love and care nila sayo lalong lalo na sa baby mo. Mag sorry ka nalang at pagsikapan na matapos yung pag aaral mo pagkapanganak mo.
Đọc thêm
??