Tama ba na magtampo Ako?

Hello mga Momsh, pa-advice Naman po. Hubby ko Po ay Isang Seaferer (Marino) pero di pa Po kami kasal, kakasampa nya lang Po last month March 30. Ako Po ay buntis ngayon sa pangalawa naming baby (6 months) at Yung Isa ko pong baby is 1 and half yr old palang bale CS Po Ako mga Momsh sa una Kong baby at dito sa pangalawa due ko Po ay August na. Ganito Kasi mga Momsh, sobrang sama Ng loob ko sa hubby ko at sobrang iniiyakan ko Po talaga kapag nasasagi sa isip ko kahit ayaw ko pong isipin Kasi Po Yung sahod nya pumapasok Po sa bank ko, ngayon Po may mga utang Po kami na dapat bayaran at alahas na dapat tubusin Nung nagprocess Po sya Ng mga requirements nya pabalik sa barko. Ngayon Po Kasi, 25k Po Ang dapat bayaran sa nahiram nya (10k sa kapatid nya at 15k sa Tita). May anak pa pong dalawa Ang partner ko sa magkaibang mommy, Isang Grade 12 na graduating ngayon tapos Isang grade 4. Yung G12 po pinapabigyan nya Ng 5k tapos Yung Grade 4 pinapabigyan Ng 10k. Ibinigay ko Naman Po mga Momsh Kasi Ayoko pong sabihin na pinapakialaman ko Yung sahod nya. Pero mga Momsh, sobrang sama Po Ng loob ko Kasi halos Wala pong natira samin Ng mga anak ko. Kasi Po 55k Yung pumasok sakin, magbabayad pa Po Ng bills namin at nangungupahan pa Po kami at naggagatas Ang Isa Kong anak. Ang usapan Po namin magtatabi Ako para sa panganganak ko Lalo na't CS Kasi ilang buwan nalang Wala pa kaming naiipon dahil sagad sagad kami Bago sya nakaalis. Kaya sinabihan ko Po Yung partner ko na ibibigay ko nalang Po Yung ATM Card ko sa kapatid nya tapos ibigay nalang Po sakin Yung budget namin para dito sa bahay at sa Bata Kasi mga Momsh, sakin pumapasok Yung pera pero Wala Naman akong karapatan magdesisyon sa pera kung paano Ang allocation, lugi lang Po kami Ng mga anak ko, Wala na pong natitira samin, abonado pa Ako dahil Ako Yung nababaon sa hiraman. Kaya di Naman Po siguro Ako masisisi kung sumama Yung loob ko diba? #advicepls #pleasehelp

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi ka naman misisihan, momsh, valid talaga ang frustration mo, lalo na't ikaw ang nag-aasikaso ng dalawang bata, CS pa, at lahat ng bills habang siya ay nasa barko. Ang punto mo about the ATM card at budget allocation ay very fair kasi ikaw talaga ang nag-manage ng household at needs ng mga bata mo, pero siguro kailangan nyo ng serious conversation when he's home or video call, dahil ito ay partnership issue na involving finances, his other children, at ang future mo pa for your CS delivery in August. Suggest mo sa kanya na magkaroon ng clear agreement kung ano ang monthly budget for household and your pregnancy savings, separate from his family obligations, important ito para walang resentment na lalaki habang siya nag-work at kayo nag-aalaga ng bahay. One of my mum friends had similar situation with her seafarer husband, at what helped was having a written arrangement so walang pagiging ambiguous, at importantly, the in-laws understood the boundaries din. Praying for clarity between you two, momsh, kasi deserve mo talaga ng support especially ngayon na pregnant ka na with one toddler pa.

Đọc thêm