Tama ba na magtampo Ako?

Hello mga Momsh, pa-advice Naman po. Hubby ko Po ay Isang Seaferer (Marino) pero di pa Po kami kasal, kakasampa nya lang Po last month March 30. Ako Po ay buntis ngayon sa pangalawa naming baby (6 months) at Yung Isa ko pong baby is 1 and half yr old palang bale CS Po Ako mga Momsh sa una Kong baby at dito sa pangalawa due ko Po ay August na. Ganito Kasi mga Momsh, sobrang sama Ng loob ko sa hubby ko at sobrang iniiyakan ko Po talaga kapag nasasagi sa isip ko kahit ayaw ko pong isipin Kasi Po Yung sahod nya pumapasok Po sa bank ko, ngayon Po may mga utang Po kami na dapat bayaran at alahas na dapat tubusin Nung nagprocess Po sya Ng mga requirements nya pabalik sa barko. Ngayon Po Kasi, 25k Po Ang dapat bayaran sa nahiram nya (10k sa kapatid nya at 15k sa Tita). May anak pa pong dalawa Ang partner ko sa magkaibang mommy, Isang Grade 12 na graduating ngayon tapos Isang grade 4. Yung G12 po pinapabigyan nya Ng 5k tapos Yung Grade 4 pinapabigyan Ng 10k. Ibinigay ko Naman Po mga Momsh Kasi Ayoko pong sabihin na pinapakialaman ko Yung sahod nya. Pero mga Momsh, sobrang sama Po Ng loob ko Kasi halos Wala pong natira samin Ng mga anak ko. Kasi Po 55k Yung pumasok sakin, magbabayad pa Po Ng bills namin at nangungupahan pa Po kami at naggagatas Ang Isa Kong anak. Ang usapan Po namin magtatabi Ako para sa panganganak ko Lalo na't CS Kasi ilang buwan nalang Wala pa kaming naiipon dahil sagad sagad kami Bago sya nakaalis. Kaya sinabihan ko Po Yung partner ko na ibibigay ko nalang Po Yung ATM Card ko sa kapatid nya tapos ibigay nalang Po sakin Yung budget namin para dito sa bahay at sa Bata Kasi mga Momsh, sakin pumapasok Yung pera pero Wala Naman akong karapatan magdesisyon sa pera kung paano Ang allocation, lugi lang Po kami Ng mga anak ko, Wala na pong natitira samin, abonado pa Ako dahil Ako Yung nababaon sa hiraman. Kaya di Naman Po siguro Ako masisisi kung sumama Yung loob ko diba? #pleasehelp #pleasehelp

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Uy, hindi ka masama kung nasasama ang loob mo, momsh, valid ang feelings mo talaga, lalo na't ikaw ang nag-aalaga ng dalawang babies at nag-aalok pa ng tulong sa mga anak niya. Pero para sa peace of mind ninyo both, kailangan talaga ninyong dalawa magtalka ng malinaw tungkol sa budget at kung paano babayaran ang hospital bills mo sa August, 'cause a few of us moms have been through this, at ang stress about money during pregnancy ay totoo at nakaka-harmful. Siguro pwedeng mag-sit down kayo (or mag-call kung malayo siya) at i-write down lahat ng expenses para clear kung magkano talaga kailangan para sa family at savings para sa panganganak mo. Hindi ka nag-aask ng sobra, momsh, ikaw ang nag-aalaga ng future, kaya deserve mo na ang peace of mind na ito bago ka magpanganak ulit.

Đọc thêm