HALIK NG HALIK KAY BABY!!!

mga momsh okay lang ba na mainis ako? kase yung lola nung hubby ko hinalik halikan yung baby ko, yung halik na may kasama pang parang inaamoy yung pisngi ni baby, kanina kasi umaga ang kinis ng mukha ng baby ko, maya maya nag ka butlig at onting rashes nanaman. kakahalik siguro di naman ako makaangal kasi baka magalit sakin, matampuhin kasi yon, tapos mga momsh kaya ako nag aalala nag yoyosi kasi sya, yung lola nung asawa ko. nag yoyosi sya pero after naman nya nag aalcohol sya tapos iuugoy na niya sa duyan ang baby ko. kaya di din ako makaangal e natutulungan ako sa pag aalaga. kaso momsh ayan o parang may itim tuloy sa face nya naiiyak nlng ako habang nililinisan ko sya sa mukha ? sensitive kasi ang baby ko. sensitive balat nya sabi kasi ng pedia niya pag may history ng skin asthma or hika ang nanay sensitive ang baby. nakakainis talaga pag may humahalik sa baby nyo no? relate po ba kayo? huhu

HALIK NG HALIK KAY BABY!!!
71 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Relate ako dito kasi ung byenan kong lalaki kahit amoy alak kikiss sa anak ko. Ang hirap sabihan kasi mga masyadong matampuhin. Pag naman nagkasakit ung bata di sila ung mahihirapan, ang masakit pa parang ako pa sinisisi pag may sakit. Oh life! 😏🙄😣

Much better na pagsabihan mo sya momsh, or yung asawa mo ang magsabi sa kanya. Dapat intindihin nya ang sitwasyun, and its a BIG NO na halikan si baby sa pisngi lalo na at infant pa ito. Bahala nat magtampo sya basta ang importante safe ang baby ko

Thành viên VIP

Sabihan nyo nalang po sila na wag mung po nilang i-kiss sa face in a nice way. Sensitive pa po talaga ang mga baby kaya need po talaga natin silang paka ingatan. Hindi naman po sa pinagmamaselan natin sila, si baby din naman po kasi yung mahihirapan.

Ako hndi ko pinapahalikan sa mukha ang baby ko. Maski kmi ng asawa ko hndi nagkkiss sa mukha nya. Ung lola ng asawa mo, Kaht nag alcohol sya, ung amoy ng yosi nsa hininga nya, nsa balat nya, saka sa damit nya. Hindi pa dn safe un sa baby mo.

5y trước

👍🏼👍🏼👍🏼

Bawal po talaga mommy pwede ka naman magsabi total pag may mangyari kay baby hindi naman sila ang mag papagamot so dapat hindi sila umaangal and besides anak mo yan momsh ikaw ang may karapatan dyan kung ano rules mo when it comes to her

nako parang di naman nagiisip ang lola nya alam naman amoy yosi sige pa rin. sorry pero parang wala naman sya pinagkatandaan alam naman nyang bawal sa bata ang yosi kung ako sau lumipat nalang kau ng bahay ung malayo sa lola

mamsh hindi po masama sabihan kasi po si baby mo angtitiis ng kati nyan...ako nga sinasabihan ko agad bawal halikan kasi naiirita baby ko sa kati...tsaka alam nman nila bawal halikan ang baby dumaan nman sila sa tulad natin eh..

Thành viên VIP

Mahirap din po kasi sila pigilan lalo na pag matanda na. Father ko nun smoker din siya and lagi niya binubuhat si baby, dinadaan ko na lang sa joke momsh para di ma-offend. Make sure na lang po na linisan kaagad si baby after.

Di naman po masama maging maselan tayo para sa baby natin kasi pinoproteksyonan lang natin sila. Okay lang magsalita, be approachable enough lang. Choose words na less offensive. Or better yet si Hubby mo nalang magsabi.

Oo nakakainis tlaga. Ganyan din yunh baby ko noon nung hinahawakan nung tita ko sa mukha. Nagyoyosi kasi kaya nagkaroon ng rashes. Buti nalang effeftive ubg binigay ni pedia na cream para sa mukha nya