Sinabihan ko lola ko nung nahuli ko siyang hinahalikan baby ko.. Sabi nia pa, ok lng daw un since matanda na sia.. Reply ko naman, utos yan ng doctor na wag talaga ipahalik.. Ayun nagtampo. Tas sinend ko ng mga link ung nagkakasakit and namamatayan n sanggol sa halik, tumigil na sa pagtatampo ang umok nlg hehe
thankyou po sa mga advise nyo mga mommy huhu first time mommy po kasi ako pero alam ko po na masama talaga halik halikan ang baby, kaya po napa post na ako dito kasi di ko na alam pano gagawin ko di ko mailabas yung inis ko nung nakita ko hinahalik halikan yung baby ko tas kakatapos lang magyosi tsk
Nag aalcohol nga mommy, eh kamay naman nya nalalagyan. Nag alcohol din ba bibig nya? Dpat nag hihilamos sya or mumog. Sensitive kasi talaga ang baby. Konting panahon lang naman ipag aantay sa pagtitiis sa pag iingat sa balat ng baby. Pag naman lumaki laki na sya maiimune na yung skin ng baby
Nako, nag usap na kami ng jowa ko about jan. We both agreed na BAWAL NILANG I-KISS ANG ANAK NAMIN. Di sa OA, we are just protecting our baby. Mahina pa immune system nila at kagaya niyan mga skin rash/disease whatever. Mabuti na yung sigurado. Kahit kamag-anak pa namin yan. 😑😑
Nakoooo kahit nag alcohol sya kung nag yosi yung smoke nadikit na yun sa bunganga at damit better kung maligo at mag toothbrush plus alcohol bago humawak sa baby mo . Prone at sensitive ang mga baby lalo na sa bacteria o virus from 2nd hand smoking or kahit 3rd hand pa yan .
Momsh mas mabuti sabihan mo si lola o si hubby kausapin mo na sya mag sabi na huwag ikiss si lo.Mahirap at baby pa yan lalo na at naninigarilyo siya,tas lanit pa sa damit nya maaamoy ni baby.Hayaan mo sya mag tampo kesa si baby mag suffer,mas mahirap mag kasakit ang baby.
Isama mo nalang sya momshsa next check up para si pedia nalang ni baby ang magsasabi. Sa akin kasi sakto kasama ko tatay ko sa hospital nung nag advice pedia ko. Kaya sinusunod naman ni tatay ko tas sya na din nagsasabi sa iba dto sa bahay kasi nahihiya din kami ni hubby
Mas maganda if kausapin mo si hubby then sabihin mo sakanya concern mo. Paliwanag mo lang ng maayos sis. Kung merong second-hand smoking, meron din pong third-hand smoking. Dahil yun nicotine kumakapit sa bibig at kamay after magyosi na posibleng mapasa at makairita kay baby.
no mashie.. my tawag nga pong KISS OF DEATH PO. .. ang baby po maselan yan sa anong mang viruses.. Please please di bale ka n maging maselan sa anak mo sabhang maarte kapakanan ng anak mo yan Please.. mag search ka den pakita mo sa kanila na bawal ang halik ng halik
Kahit sinong baby po talaga bawal i-kiss muna. Lalo't newborn. Kasi kahit hindi sensitive ang skin, pwedeng ma iritate talaga. Even the parents of the baby. Kailangan lang mag pigil pigil. Inform nalang sila ng maayos. Sa tyan nalang i-kiss. At least may damit. Hehe.
Nica Ortega