Iyakin si baby
Hi mga momsh, meron po ba dito same experience na sobrang iyakin si baby. As is kapag gising po siya iyak siya ng iyak, hindi lang basta iyak kundi gigil na gigil sa pag-iyak. Pati kapag natutulog sobrang magugulatin din kahit naka-white noise na. Every 30mins nagigising, papatulugin na naman. Ayaw din nya nagpapababa sa crib, gusto lagi buhat. Nilalagyan na din namin ng aceite de manzanilla kasi baka nga kinakabag. Ano po ginawa nyo?
Ganyan din baby ko hanggang mag 3 months sya. Ginawa na namin lahat mag palit ng diaper, mag pa dede, mag pa burp, iba’t ibang posisyon ng karga, kahit karga ng matagal iyak pa din, pati lullabies. i even try manzanilla kahit di advice ng pedia nag baka sakali lang na makatulong kaso hindi. Titigil lang sya pag gusto nya na tumigil. Feeling ko nag aadjust p kasi sila sa environment o kaya colic. Pero mag babago din na man yan. Tiyaga lang muna.
Đọc thêmsi baby ayaw niya ng swaddle, ayaw nga niya na kinukumutan ko siya ,gusto niya nakabalandra higa niya😁ayaw niya ng masikip. . .normal lang kasi mi yung magugulatin yung mga babies,🥰si baby diko swenaddle since birth,pero.nawala nalang yung gugulatin niya🥰pero depende po yata sa mga babies..
kahit nakawhite noise kung di nakaswaddle magugulat at magugulat yan. .also chevk montyan nya baka matigas. di pinayagan ng pedia ng baby ko ang mazanilla..simpleng tummy massage langbat tamang paburo lagi dapat well relaxed ang babym iritable yan kung laging nagugulat diaayos ang tulog.
baka po di sya komportable s pwesto ng higa nya mi or s suot nya... s pagiging magugulatin po always put her/him in swaddle wrap ... wag mo po sya ihiga s malambot n higaan baka isa din po yung reason kung bkit sya nagiging magugulatin lalo n po pag nagagalaw higaan nya....
Baka po nag-aadjust pa dto sa Outside world. Check niyo po room temperature niyo baka mainit or malamig. Pwede niyo din po sya samahan matulog,baka gusto niya lang na may kasama sya.
Iyakin po ang baby kapag nagugutom(nakukulangan sa dinedede),may nararamdamang sakit at discomfort.. Ang baby po na busog at walang sakit,hindi po iyakin.
try nio po iswaddle si baby ...Nagiging iyakin lang naman po kapag may discomfort,gutom,puno yung diaper,naiinitan,nalalamigan ..
Baka colicky baby sya. Pa check up kayo kasi yung baby ko ganyan dati, may nireseta na medicine, ayun umokay sya agad :)
mii ganyan din bb ko 1month and 14 days pa siya.. ano po ginawa niyo mii?
kung infant pa po, try nyo ang swaddle nakakatulong po.