Naguguluhan

Mga momsh, kakagaling ko lang ngayon sa OB. Actually sa midwife talaga ako nagpapacheck-up. As per ultrasound kahapon sa lying in, 36.3 weeks pa lang si baby pero if based sa LMP 37weeks and 4days na ko today. Umaasa pasi lying in na iikot pa si baby (transverse) kaya pinababalik pa ko nextweek for check-up. Then ngayon kay OB, nakita nya transverse si baby sa ultrasound nga. Pinahahanapan nya ko agad ng room kasi nung pagka-IE nya saken 1cm na ko kaso walang available kaya pinaiinom nya muna ako ng pampakapit. Dapat daw manganak na ko kasi di ako pwede maglabor baka kapag pumutok daw kasi ang panubigan ko mauna ang cord. Mas delikado. Nagpacheck-up na kami sa OB kasi if ever hindi na talaga umikot si baby, may ospital na kasi sa panahon ngayon mahirap na yung on-the spot. Madami tinatanggihan. Hindi po ba masyado pang maaga for me para maCS? Sana po may makasagot. Para kasing umaasa pa din akong poposisyon sya. Hehe

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

37 weeks and 4 days pwede na po yan kasi full term na ung baby mo. Trust the OB po. May dahilan kaya nag decide na siya i-CS ka. Naexplain naman ata sayo.

Available Room.