breastmilk vs Formula.

Mga momsh. Baby nyo ba di rin nabubusog sa breastmilk? Almost 1hr ako nagpapabreastmilk pero di satisfied baby ko. Sa pagod ko at ngalay nagtitimpla nalang kami ng formula. 2oz pero bitin padin sya sa 2oz. Kaya nag aadd kami ng 1oz. Halos 3oz nadedede nya sa formula wala pa ung sakin. After madalas sya maglungad. Minsan lumalabas pa sa ilong. Sobrang worried ako. Incoming 3wks na baby ko.

breastmilk vs Formula.
19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sana mabasa mo po ito, at ng ibang mommies na gusto mag breastfeed. Share lang ako ng advice.. minsan po akala natin hindi sapat ang breastmilk natin dahil gutom si baby palagi, pero actually normal sa babies na magdede from our boobs every 1 to 2 hours lalo na kung breastmilk kasi mas mabilis ito ma-digest kumpara sa formula (kaya mas madali din magutom ang breastfed babies kesa formula babies). Paano po ba natin nalalaman na sapat ang breastmilk supply? - may ihi sa diaper nia every 6 hours - dumudumi sya 6 to 10 beses sa isang araw - nag-gain sya ng timbang na angkop sa kanyang edad Bakit hindi adviseable na magbigay ng formula? Maaari nitong maapektuhan ang desire ni baby sumuso sayo. Kapag hindi na sya mag-latch or magdede sa iyo, mag-uumpisa na bumaba or kumonti ang milk supply mo. Tandaan, ang milk supply natin ay depende sa pangangailangan ni baby. Mas madalas sya dumede, mas tataas ang milk supply. Uminom ng maraming tubig! Breastmilk is best for babies. Napapatibay nito ang resistensya ni baby dahil breastmilk lang ang mah kakayahan na maipasa ang immunity mo papunta sa iyong baby. Libre pa! Have a nice day po.

Đọc thêm
5y trước

Very informative, i agree, sa BF Pinay page ko madalas nababasa ang ganitong explanation... sa panahon ngayon ng pandemic, mas lalong kelangan ng mommies magpa-breastfeed to boost the immunity of the baby ❤

Overfed na po si baby kaya nag lungad . Based on my experience nag cluster feed po si baby para dumami supply mo and nagpapalaki siya. Alamin niyo rin po yung 1oz-1hr na rule for milk. Ganyan po ako dati akala ko di rin siya satisfied, check niyo lang po pati latch niya kung nakakakuha siya ng milk talaga.

Đọc thêm
5y trước

Consider din po ninyo yung growth spurt na tinatawag kaya ganon siya mag feed. Search niyo po yun baka nasa ganong stage siya.

Breastmilk is the best for babies 1-2 hrs padedehin c bby kung umiiyak pa din c bby pansinin baka po inaantok ganun hindi puede yung padede ka ng padede lalo +formula milk pa..maoverfeed na po siya After mag padede iburrp muna tapos wag nyo po muna pahigain hawakan muna ng nalaelevate..

Thành viên VIP

Pa burp nyo po muna bago nyo po bigyan ulit,pag nilulungad po ibig sabihin full na po sya or d pa nababa ung dinede nya or minsan sa formula milk din kasi ung anak ko nakailan palit kmi bg milk kasi lage din ng lulungad kahit nagbuburp sya at tama ung interbal ng pag dede nya

5y trước

Hinihimas at konting tap nyo po ba ung likod nya habang pinapaburp?

Huwag po kayo mag formula. Normal lang po yang ganyan mag dede ang mga baby. Hindi dahil sa kulang ang gatas mo kaya hindi siya nabubusog. Google nyo ang cluster feeding. Nag start pa po kayo magparami ng gatas sa ganyang edad kaya mahalaga ang pagdede nya.

Na ooverfeed po si baby. Ingat po mommy baka ma aspirate si baby. Pag nag feed po dapat nakaelevate then burp every after feeding. Pag naglungad po, iside mo lang si baby wag nyo po bigla iaangat or kakargahin bigla kase may tendency na pumunta sa lungs.

medyo common sya sa baby ko dati .. naiyak ako kapag nalungad na sya .. pati sa ilong .. payo ko lang momshie ... ano po .. controll po sa pag papadede 2oz tapos 15 to 3o minutes break nalang po .. kase mahirap naman na magkatubig ang lungs ni baby .

5y trước

Bumili kami pacifier ayaw nya alam nya na walang lasa. Tinutulak ng bibig nya :(

Kahit ang tagal nyang nakadede saken di ako nagformula. Why? Cause that's cluster feeding na part ng growth spurt lalo na sa newborn. Nagbasa at nagresearch na agad ako para di ako magformula kasi alam kong breastmilk id the best for babies.

5y trước

Yes mommy Callie true ka diyan. Noong una ganyan din ako, halos dalawang oras na di pa bumibitaw eh 😂

Na overfeeding po siya..p burp mo p agad..aliw aliwin..pg newborn plng 1 oz plng pede or two..wag bglaan tiyan ni baby .mliit p tiyan nyn..much better unlilatch k lng..wag k mgformula..kkpagod at kkngalay pero need tiisin

over feeding napo yan sis.... 2oz is enough po sa formula every4hrs... wag ng dagdagan kc nag bf ka rin sis.... check nyo sa instructions how much formula ang dapat kai baby plus sa inyo... estimate nyo nlng

5y trước

2kls sya nilabas ko. Incoming 3wks palang sya. 4oz kaya nya n magdede kaso lungad ng lungad pati ilong nalungad