90 Các câu trả lời

Hello momsh, before I was planning manganak sa hospital so nag pacheck up ako sa 2 different OB's, yung isa yung malapit lang sa area ko kaso pricey talaga ng quotation kaya naghanap ako around Maynila (Taga Makati ako) yun yung naging problem kasi biglang nagka pandemic, lockdown. Tas medyo malayo sa area ko yung isang ob na nahanap ko na affordable yung quote. Kaya I decided maghanap ng lying in malapit samin, karamihan di talaga tumatanggap ng 1st baby. Pero meron din talaga natanggap, luckily may kakilala ako na may ari ng lying in na tumatanggap ng 1st baby so dun ako nagpacheck up once lang nag parecord lang ako kasi around 36weeks na ako non eh. At ayun, dun ako nanganak nung May 5 lang. Pero ang pinili kong magpaanak sakin is OB hindi yung midwife. Regarding sa memo na sinasabi ng DOH, inask ko yung may ari nung lying in about dun., yes daw may memo daw talaga na bawal magpaanak pag 1st sa lying in pero naka hold naman daw recently lang, kaya okay pa rin naman daw manganak sa lying in kahit First time. Pero depende pa rin talaga sa lying in yan kung tatanggap sila :)

Magkano po nagastos niyo mamsh pag OB po nagpaanak sainyo instead of midwife?

Im FTM too, but sa lying in din ako nanganak. Im having my regular prenatal check up sa lying in, then suddenly nagpalit ako pero lying in pa rin, WHY? Because of good reviews na nabasa namin from other mothers na nanganak na sa knila. Very approachable at sila pa mangungulit pra icheck up ka. May 17 was my first check up, actually tinatamad pa nga ako pero pumunta na ako kasi naka ilang tawag na yung midwife sakin, pagdating ko chineck niya mga records ko like lab tests and UTZ (i have previous low lying placenta when i was in 4th mo. of pregnancy) so IE niya ko, shock ako kase 4cm na (btw i was 37 weeks and 5 days na) di na niya ako pinauwe and HE let me stay sa clinic para antayin ang active labor at mameet yung cm para manganak na. Fast forward...all thanks to God the delivery was a success! We're both safe ni baby. Although nagstruggle yung midwife ko during delivery due to heavy bleeding and 2x ako tinahian naglacerate kasi ako. So ayun, depende sa midwife na magpapaanak sayo yan momsh! Goodluck and God bless ❤️

Mommy kung kaya m naman and knowing na ang lying in is safety siya why not sa lying in? Ako kasi ugh ako po yun 20 lang din ako since wala naman maselan sa pagbubuntis ko sa panganay ko sa lying in ako and sa bunso naman hindi namn di. Though nagspotting ako ayun lying in din naman ako nasayo naman ang desisyon if you think na kaya mo and yun ang gusto mo go, sa bunso konga as in manganganak nalang ako in labor na nagbiyahe pa ako nv 1hour para lang manganak sa lying in since hospital lang ang malapit samin 10mins lang pero mas pinili kong magbiyahe sa lying in, tjough may center samin kaso di ako panatag, mararamdaman mo naman sa sarili mo san ka safe and sn ka mas kampante manganak.

VIP Member

Hi! Actually depende sa lying in na mapupuntahan mo. Ako netong March Todo hanap ako, may mga lying in na midwife Ang magpapaanak pero i-oorient/kakausapin ka nila about sa risk factor kapag sa kanila lalo't ftm tayo. May mga lying in din Naman na nagpapaanak din Kasi merong available na OB. Meron din Naman na Hindi talaga sila natanggap Ng ftm. ... I planned it all na sa lying in manganak but.. napremature si baby napaaga netong April instead of May 2020. Kaya na c section ako at no choice kundi sa Private Hospital. What I'm trying to say is much better makahanap ka ng lying in na OB Ang magpapaanak at better to have plan B, na sa Private hospital incase of emergency. I'm 23.

Sis advice q lng as first time mom dapat tlga sa hospital, Kasi aq noong first q nag decide aq sa lying in pero sa kasamaang palad nilipat nila aq sa hospital Kasi tumaas BP q, pero lahat Ng prenatal check up q normal lahat pati bp noong time lng tlga na nag labor aq tumaas BP q. Sa lying in Kasi sis wla sila gamit Kung sakasakaling magka emergency ,ililipat ka tlga nila sa hospital which is nkakapagod na sa part mo Kasi babyahe kp. Yun lng po sis sa experience q mas maganda tlga pag hospital.

Hospital po momsh. Base from my experience first baby ko may complications na pala. di nila alam kasi di sila doctor kundi midwives lang. naghirap talaga baby ko ng isang taon at may problema pa siya na di na kaya magamot due to late diagnosis. Di nila alam na pag nawalan ng oxygen ang bata kailangan e diritso sa hospital. madaming complications kung san doctor lang talaga nakaka alam. kaya sobrang recommended po na Hospital first baby for your safety at lalo na kay baby

VIP Member

Sa kalagayan natin ngayon na may pandemya, siguro mas better manganak sa lying in. Kasi dun wala kang ibang makakasalamuha kundi mga buntis lang din. Nakakatakot manganak sa hospital ngayon. Safe naman daw manganak sa lying in lalo na kung may sarili kang OB dahil sya ang magpapaanak sayo. Ako kasi november pa due ko pero balak ko talaga sa lying in manganak. Parang mas panatag ako dun kesa sa hospital. Ftm din. 😊 Sana makapagdesisyon na kayo ng family mo. 🤗

e d ikaw manganak sa lying in. ikaw ang panatag e

It doesnt matter lying in or hospital get an OBY. Yung OBY mo na may Lying In na din. Why because sila pwede ka nila paanakin ng sa Lying in lang pero andyan ang oby mo. Kung never ka namn nag ka health issue and healthy ka walang problema oby mo mag aadvise kung sa lying in ka nya or sa Hospital kayo. Lahat ng Panganay at first time manganak accompanied ng Doctor yan , kaya suggest ko kung nag LYING IN ka dun sa LYING IN ng OBY doctor

Kung wala naman po complications ang pregnancy mo lying-in clinics are ok since may mga OB din nman po tlga sila,besides if hindi ka po pwd sa lying-in clinic papalipatin ka din tlga ng lying-in sa hospitals. Just make sure po na regular ka na nakakapag patingin sa lying-in clinic of your choice para din aware sila sa history ng pregnancy mo. Pero if hindi ka comfortable sa lying-in better nga po sa hospital para panatag ang kalooban mo

ako first time mom dahil sa hindi na umabot sa hospital, sa lying in ako nanganak, okay naman mababait at mas maaasikaso ka nila. mabait pa may ari ng lying in. sya mismo nagpaanak sakin..sabi kasi nila delikado pag unang anak pero kung sabi ng OB mo na kaya mong inormal walang problema kasi sa lying in mga midwife din mg andun at nurse. alam din nila ginagawa nila. basta tiwala lang sa sariling kaya mo at sa magpapaanak sayo..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan