sardinas
Mga moms sino po dito madalas na ulam ng sardinas ok lng ba yun sa buntis my nabasa ako Good nmn daw ayun sa payo ni doc. Willie ong ?? napapatakam ako lately sa sardinas ei ?? 21weeks preggy here.
Thanks mga momshie kasi mga 3days na ata natatakam ako sa sardines minsan nmn ginigisa ko sya sa itlog kasi matsarap tlga sya sabi ng hubby ko knina pag sardinas daw ulam takam na takam ako sarap kasi ei.. Thanks a lot moms. Nabasa ko ksi ky doc. Ong..
ako din lagi ako nag uulam ng sardinas pero ang ginagawa ko ginigisa ko sya at hinahaluan ng malunggay or talbos ng kamote para kahit papano dba may sustansya pa dn ☺️
Saraaap😍😍 kagabi po yan ulam ko na may 2 itlog. Yun lang po ung luto na nakakakain ako ng itlog kasi pag laga lang naduduwal ako. Healthy naman po sardines
Okay naman. Healthy naman ang sardines. Wag lang siguro aaraw arawin. :D eto rin inuulam ko lalo na pag ayoko ng ulam namin or pag tinatamad at walang food. :D
Ang magandang sardines po ang fresh.Kasi mababa po ang mercury content niya.Peru ang de lata po dahan2 lang kaai may mga addetives na po yan.
Kami po dito sa bahay nag sasardinas, once a week :) pero ginagawa namin sinasabawan namin at lalagyan ng malunggay.
Ako mamsh, pag wala akong maisip na ulam..sa sardinas ako bumabagsak, maganda daw yun sa preggy, may omega3 din kasi.
ako on my 8weeks to 10weeks ayan lage ko ulam. pero habang tumatagal naduduwal ako. healty ang sardines sis.
Yes mamshie. Advice din sakin ng OB ko before na maganda kumain ng sardines aside from fruits and veggies.
ako din po mahilig sa sardinas ngayon, pwro dati nung di pa ako buntis di ko naman type ang sardinas