19 Các câu trả lời

VIP Member

Kame mommy monthly may handa pero kung ano lang ang available sa bahay. Gusto lang din kase namen na icelebrate yung date kung kelan sya pinanganak. So consistent yun from 1st month until ngayun na 18 months. Yung cake nga minsan cup cake lang basta lang macelebrate. Depende naman po sa inyo yun lalo if walang kakain. Minsan nga natry ko instant spaghetti ang pinrepare ko.. tas kakanta pa din kame ng happy birthday at magboblow ng candle. Tapos bibihisan ko pa din si baby at pipicturan. Nakakatuwa lang din na may nilulook forward ka every month at may sinecelebrate. May mga tao lang na nega ang tingin sa ganun kesho wag daw sanayin ang bata.. pero as long as di naman pinangutang ang ipinanghanda at nakakain naman wala namang masama. Way ko din yun of showing na happy ako kase lagi syang healthy so may something na mahaba like spag o pancit at cake lagi yan. Kahit yung dalawang yun lang ang asa mesa.

ok lng sis.. Kung may means nmn ok lng kahit every month. Basta kaya.. samin Naman minsan lng Po kmi nag handa sis. 🙂10mos na si baby. parang 1-2x Lang. MIL ko Kasi gusto Niya lutuan si baby. saming mag Asawa balewala nmn Yung months, pinag hahandaan nmin ung binyag Ska 1st bday. hehe konting salo salo para Kay baby.

Kung may add to cart saken may add to savings rin, partner ko gustong kada buwan handaan si baby pero napagkasunduan naming imbes na ipambili ng cake or kung ano ano pa eh idagdag nalang namin Ang pera sa savings para Kay Baby, taghirap po ngayong pandemic kaya dun Tayo sa praktikal.

Super Mum

It's up to you mommy. Yung money isave mo na lang or ipandagdag sa pambili ng needs ni baby. Masasayang lang din kasi kung maghahanda kayo pero walang kakaen. Si baby monthly may celebration hanggang nag 1 year old sya, pasasalamat at the same time celebration na rin.

Thank u po sa inyo mga mommies. Hinandaan po namim si baby kahit kalahating macaroni spag. Tapos kami lang ni hubby kumain hehehe. Tapos kinabukasan nakain pa din namin yung tira. Ang mahalaga naman po eh healthy si baby at napakasiyahing bata. Bungisngis.

ayus Lang momshie na Hindi po maghanda lalo't wla din namn pong kakain masasayang Lang din, sakin kase monthly ako nag hahanda pero Hindi po madami ung tamang miryenda Lang dn namin at DIY PHOTOSHOOT nalng po ginagawa ko, nakaka happy din kase po 😊

ako momsh, di uso sakin mag handa every month 😌 instead na ipanghahanda namin ginagawa ko na lang, yung pera na panghahanda namin sinesave ko for his 1st birthday and christening. Plan ko kasi na pagsabayin na lang yun para less gastos ☺️

Di naman required na every month maghanda, tho I wouldn't blame you naman kasi nakakaexcite at nakakatuwa naman talaga icelebrate ang milestones ni Baby. Sa panahon ngayon dun muna tayo sa praktikal. Good thing is healthy si Baby.

ako sis kalahate kilo pansit lang, luto ko tanghali para yun nadin tanghalian pag may natira meryenda pa. 😁 Ang mahalaga healthy si baby and pinag pray lang kay god na lumaking malusog masigla at mabait na bata.

Okay lang walang handaan momsh! Batiin mona lang si baby mo that day at bilhan mo po ng needs nya :) Di naten kelangan makipagsabayan sa iba po :)

Câu hỏi phổ biến