Don't Judge me po 😞
Hi mga mommy wag niyo po ako ijudge. Kasi si baby super iyakin mag 2months palang siya kapag gabe duon siya nag iiyak ng super lakas kaya minsan nasisigawan ko na si baby 😞 kasi diko alam pano siya patahanin. Hindi ko alam kong baka may masakit sa kanya. First time mom po here.
Natural po sa baby maging fuzzy. Imbes na mainis ka po sa baby, try nyo po alamin kung baket sya naiyak, kung gutom, kung kailangan na palitan ng diaper, kung kinakabag (imassage mo po ang tyan nya ng kahit baby oil), kung antok na ba. FTM din po ako, nadating din ako sa point minsan na naiinis nako pag ayaw tumahan ni baby dahil sa puyat at pagod pero tuloy lang ako sa paghele sa kanya. Habaan mo lang pasensya mo sis, normal sa baby ang maligalig talaga.
Đọc thêmIt's okay po, need mo lang talaga habaan pasensya pag nag aalaga kasi iyak lang ang kanilang way of communication, di pa yan alam magsalita. Hanapin nyo lang po dahilan nya, check mo lahat sa checklist bakit sya umiiyak. It's either gusto lang na karga mo, ihele, gutom, antok, puno ang diaper, di komportable sa sikip ng diaper, nilamigan, naiinitan, o kinakabag..
Đọc thêm