Pagtatahi
Mga mommy totoo po bang bawal manahi ang buntis sabi nla bakit po kaya bawal manahi plsss sagot po
Hindi PO,nung buntis ako malaking tulong Yung pagtatahi para malibang ako,bed rest Kasi ako,kahit maglakad bawal,pero heto na ko magtatlong buwan na anak ko,Kung d siguro ako malibang baka Wala na baby ko ngayon
its not true.. nong buntis ako madalas nagtatahi ako.mga gamit ni baby.. like nursing cover ko, set ng bed and hotdog ni baby saka mga beddings namin..manual and machine gamit ko.. ok nmn delivery ko.. that woman old tale.
D namn siguro, kasi yung damit ng baby ko binurdahan ko ng surname ng daddy nya.. pa 5 months plng tyan ko at hope na normal delivery ako
Hindi po totoo yan mamsh. Pero ang sabi sakin nun, pag daw nagtatahi ka ng buntis ka, maooperahan daw kasi tatahiin ka.
Pregnancy myth lang po yun mommy. Dahil daw baka magbuhol buhol pusod ni baby sa loob according sa mga matatanda.
Iniwasan ko manahi noon kahit may butas butas mga damit namin noon pinapatahi ko pa 😂 but ending CS pa din ako...
Sabi ng mama ko mag bubuhol daw umblical cord ni baby😊pero khapon nanahi ako wla nmn sya dito eh
Di namn totoo yun hmmm . May iba ngang mommies dba na nagbuburda pa para sa stuff ng baby nila
bawal daw pong manahi pag suot mo ung tatahiin mo po dapat hubarin muna bago tahiin..
Nagtatahi ako while pregnant before pero normal naman panganganak ko.