39weeks tomorrow

Hi mga mommy sana mahelp ninyo ako kasi 39weeks ko na bukas at sobrang kinakabahan ako kasi ayoko na umabot ng 40weeks. 1cm na ako umiinom na din ako ng primrose, sumasakit na din ang puson at likod ko minsan sumasabay na din yung tiyan ko pero ayaw mag tuloy tuloy nung sakit gusto ko na manganganak ng maaga. Any tips naman po kung paano ako mag lalabor ng mas mabilis .

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

makaka raos dn tayo mii.. ako po sa 2nd baby ko inabot ako ng 40 weeks and 5 days wla tlga sign ng labor gnwa ko n mg 2x insert ng primerose nun bukod sa lakad , squat at inom ng pineapple and all more or less mg relax ka nlng mi ako ksi nun nag labor na nakakapng hina na leak lng ksi un panubigan ko then pagod na pagod na ako kaka squat mas need po natin relax physically and mentally .. un sa 3rd baby ko ngaun 37 weeks and 3days close cervix pa kht na panay hilab at masakit na bewang , at singit ko..

Đọc thêm

39 wk and 4 days Ako nung nanganak hnd Ako nag take Ng primrose lakad lakad sa Umaga at squat lng 39 wk and 2 days may pahilab na pero nawawala kinabukasan nun may brown discharge na tapos nung 39 wk and 4 days na 2am humihilab na every 15 mins .. pagdating ng 12 noon every 10 - 8 mins na then 2 -3 pm 3 - 1 min Panay hilab pagdating ng hospital admit na Ng 3:15pm nanganak Ako Ng 3:25 pm wag mo na stress sarili mo mi malapit na yn lumabas ..safe delivery mi

Đọc thêm
10mo trước

thankyou po mii ♥️

Hi. If you're worried, you can ask your OB what s best for you. In my case, 41weeks 5 days na pero no signs of labor parin so my OB decided na magpaadmit na kasi overdue/delayed na. Augmentation lang ginawa sakin, not induction, kasi I was 2cm na that time. When I was at 4cm na and still no pain or signs of labor, pinutok na nila yung panubigan ko. Shortly after, dun na nagstart yung intense pain at labor. After 2 hours, crowning na agad and nailabas ko na si baby.

Đọc thêm
10mo trước

may cm naman po ako miii tsk may sign din po ng labor pero ayaw lang po mag tuloy tuloy nung sakit

Ako saktong 40 weeks nanganak, kung ano ano na ginawa ko walking, squats, akyat sa hagdan tinigil ko nga yung primrose ko nun kasi di naman effective 😅, nag pineapple.juice din ako tapos chocolate drink haha wala parin si baby talaga magdecide kung kelan nya gusto lumabas. Better to do is to relax lang mi, wag paka stress hanggat okay naman si baby every weekly check up. Ipunin mo yung energy mo para sa paglelabor mo mi .

Đọc thêm
10mo trước

okay po mii . thankyou ♥️

Wala naman masama mami if abutin ka ng 40 weeks, still sakto parin naman yun. Ako kasi 40 weeks ang 3 days no sign of labor pa din ako as in ginawa ko na lahat, lakad ng sobrang layo, squat, akyat baba ng hagdan. Pero di padin humihilab. Nag take na din ako primes rose wala padin talaga not until pumutok panubigan ko non kaya na cs na ko mi

Đọc thêm

patagtag ka mii lakad lakad, akyat baba ng hagdan, deep squat hold, lunges, spiderman sway, duck walks, mga ganyan mii try mo din magsearch sa yt or kahit sa fb reels madami ka makikita mga exercise para makapaglabor na, tapos kain ka po fresh pineapple 🤗

39weeks and 2days nako 3-4cm na. nag tatake din ako primrose sumasakit na din balakang at puson ko panay paninigas din ng tyan kso ayaw tlga magtuloy tuloy 🥹 sana makaraos na tyo mi 🙏 ayoko din maoverdue 🥺

10mo trước

sana nga miii makaraos na tayo.

wag ka kabahan momsh lakad2x lang lalabas din yan si baby pag ready na🙏🏼 ako din dati 39 and 4days bago ako nanganak

Ako nga nun mii,36 weeks palang 2-3cm na pero nanganak ako 38W6D. Lalabas din yan

39 weeks na kp today kahapon check up kp 2-3cm na pero wala pa din hilab