Is Insecurity Normal During Pregnancy?

Hello mga mommy! Medyo nakakatawa po yung tanong ko, pero normal po ba na ma-insecure ako sa ex ng asawa ko? I'm 7 months pregnant. Here's the story: May 7 years na rin naman po nakalipas pamula nun pero pag naaalala ko ung past events, nalulungkot po talaga ako at napapa stalk ako sa profile ng ex nya. I can really say na maganda po talaga si ex. As in maganda. Naging crush ko pa nga po noon. Hahaha. Masama lang po loob ko sa kanila ng asawa ko dati kasi nagkaroon sila ng fling habang ako gf ng asawa ko noon at kaibigan ko na si ex (Note: Alam ni ex na kami na ulit. Naging sila for a very short time habang hiwalay kami ng asawa ko that time. Naging friend ko po si ex nung nag break sila at nakipag balikan sakin ung asawa ko noon.) That time, akala ko normal lang lahat kasi ldr po kami at talagang focus ako sa studies ko tapos nakita ko ung chat history nila. Ang masakit po kasi sakin nun, chinachat ako ng ex nya at kinakamusta kami pero may ganon na pala. Feeling ko ang tanga tanga ko nun kasi late ko na nalaman na may something na pala ?? Sa ngayon, okay na okay na po kami ng asawa ko. Sa almost 5 years namin na pagsasama as husband and wife, nakikita ko po na faithful sakin ang asawa ko. Btw, nakita namin si ex last year konting hi-hello lang and wala na silang communication. Pero nitong mga nakaraan, bigla namin siya napapag usapan at natatawag si ex ng asawa ko by her nickname na feeling ko parang may endearment at nababanggit niya na sakin kung kumusta na kaya si ex. Medyo nai-insecure at nasasaktan po ako sa part na yun kasi alam kong patay na patay siya dati sa ex nya na yun ?? Sorry po mga mommy, medyo napahaba. Wala po kasi ako mapagsabihan dito sa bahay.

1 Các câu trả lời

Normal lang nman mag selos. wag lang sbra! kaya nman ganyan nrrmdaman mo ksi may karapatan ka sa asawa mo, at sobrang mahal mo lang sya.

Câu hỏi phổ biến