Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Momma of ✌️
Online Selling
Hello. Question po kung tama ako. May business po kasi kami ng kapatid ko. Ako po yung naga-audit at inventory ng items. Ngayon po, may ni report siya sakin na nawawalang item. Sabi ko sa kanya, siya magiging accountable dun kasi sa kamay nya nawala yung item. Ayaw niya pumayag. Wala daw dapat accountable sa missing item. Kaya sinabi ko sa kanya na kung may missing item, dapat meron din mananagot kasi imposible po na mawala yun ng hindi niya alam since nasa kanya yung stocks. Tama naman po ako diba na kung sino nakawala, siya po magbabayad nun or ipapasok sa account niya? Please enlighten me. PS. Pakiramdam ko po feeling ng kapatid ko na stupida ako sa ganyan. Feeling ko lang naman.
Daming Toxic Puro Naman ANON
Lately dami ko nababasa dito na ang rurude na comments. May nagtatanong, sasagutin ng di maganda, madalas ung nakakasakit pa puro naman anonymous. Diba support group to pero bakit ang daming toxic ang ugali? Di na nga nakakatulong, nakakadagdag stress pa. Sana next time na magcocomment ung iba, make it helpful naman. Nakakaawa din kasi yung mga mommy na may pinagdadaanan tapos puro rude pa mababasa. Pag gusto niyo mag comment ng rude, stressful at hindi nakakatulong, ilabas nyo mukha niyo.
Sinearch Ni Hubby Si Ex
Ano mararamdaman nyo mga momsh pag nakita mo sa search history ni hubby sa fb na sinearch niya ung ex niya nung new year? Yung ex na pinaka pinagseselosan mo before pa dahil sa ahasan kasi mag frienship kayo. Ako kasi mejo na-"hurt". Ewan ko kung yun nga ba ung tamang term. Haha. Basta mejo hindi ko gusto na sine search niya pa yun. Marunong naman ako mag forgive pero never forget. Ayoko naman tanungin kasi baka di ko magustuhan isasagot niya.
Post Natal Rashes
Hello mga momsh! Sino po dito meron rashes before and after manganak? Tinubuan kasi ako ng rashes nung 4 months preggy ako, akala ko mawawala sila after manganak pero hindi pala. Meron pa rin til now. Nag ask na ko kay ob what to do pero ang sabi niya lang mawawala din tapos yun na ?? I'm using oatmeal soap to reduce the itch pero di pa rin maiwasan na di makamot lalo na pag sinusumpong ng kati. Any recommended creams na pwede sa lactating mommies na gaya ko to reduce the itch? Dami ko na sugat ?? Thanks in advance mga momsh
1cm Pa Rin
Hello mga momsh! Ako ulit. Sino po dito may same experience ng sakin? As of Nov. 29 1cm dilated na daw po ako as per OB. Around 5:45 pm, nag start na ko mag labor, super close lang ng time interval hindi na rin ako makatulog. By 6-7am ng Nov. 30, may lumabas na sakin na mucus plug na ata na parang kulay coffee pero no blood or water leakage pero same pa rin ung labor pains at ung time interval ay 3-5 mins. Nagpadala na ko sa hospital by 3pm pero 1cm pa rin daw ako kaya di muna ako in-admit tas ung time interval ng labor ko naging irregular hanggang sa halos wala na siya. Tapos kaninang umaga, naramdaman ko na naman ung labor pains pero no water leakage or blood leak. Around noon, may lumabas na naman po sakin na parang mucus plug pero this time mas fresh ung blood na kasama ng discharge at ung interval ng contractions ay irregular pa rin. Any advise po para magtuloy tuloy ung pag dilate ng cervix? Naglalakad lakad na po ako at umiinom na rin pineapple juice. Thanks po.
On Going Labor
Hello po. 1-2 cm na daw ako yesterday as per ob and nagle labor na po ko for 17 hours pero wala pa rin water leakage or blood but meron ng mucus plug kanina na lumabas right after kong maglakad lakad with hubs ng 6-7am. Medyo iba kasi to sa panganay ko. After ng mucus plug, diretsong dinudugo na ko. Kayo po nung lumabas ung mucus plug nyo, gano katagal before kayo duguin or magkaroon ng water leakage? Baka kasi di pa ako i admit sa ospital ng ganito ?? ayoko naman po ma-induce ??
Help Me Decide Please
Hi mga momsh. Sino po dito yung katulad ko na undecided pa rin kung saan manganganak? Nag iisip po kasi ako kung sa lying-in po ba ako manganganak or sa public hospital dito samin sa Antipolo. Sa public naman po ako nanganak sa panganay ko, okay naman sakin kasi halos wala kami ginastos noon way back 2015 pa. Ngayon po, gusto ni hubby sa lying-in ako manganak para daw komportable, gusto ko rin naman po sa lying in kaso nag aalangan talaga ako pag naiisip ko yung gagastusin namin, wherein pwede naman kami makatipid sa public hospital, medyo sakripisyo nga lang sa comfort. Ayoko na kasi dagdagan yung burden ng hubby ko pagdating sa finances lalo na single income kami ngayon pero gusto ko komportable din kami ni baby pag nanganak na ko. Any advice pagdating sa pros and cons ng lying in and public hospital po ngayon? Thanks po sa sasagot.
Kopiko Brown
Hello po. Pwede po kaya sa preggy ang kopiko brown? Sobrang nagke-crave po kasi talaga ako sa coffee ngayon. Hindi naman po ako umiinom ng coffee kahit nung di pa ko preggy. Parang once every 3 months lang po ako napapainom kapag stressed sa work ko dati. 8 months preggy po ako. Thanks po sa sasagot.
Philhealth Benefits
Hello po. Question lang. Pwede ko kaya gamitin ung philhealth ng hubby ko sa panganganak ko this december? Wala pa 1 year hulog niya since this feb lang sya nag start sa bago niyang work. O ung philhealth ko lang magagamit ko? this may lang ako nag resign sa work since nalaman kong buntis ako. And ano po kaya requirements kung ung akin ang gagamitin ko? Thanks po sa sasagot.
Taytay Tiangge Schedule
Hi mga momsh, especially sa mga taga taytay ? Open po kaya ang taytay tiangge bukas? Thank you po sa mga sasagot ?