hadhad at pag itim ng singit. need help
Mga mommy ,help me nman.sobrang hapdi,makati dahil sa hadhad at itim na ng singit ko. Ano mabisang gamot?sobrang hapdi na tlaga
Mommy, I agree na wag ka magpanty muna kung sa bahay ka lang naman! Ako nga kahit aalis naka-cycling shorts lang 😅 naiinitan kasi singit ko sa panty talaga kahit noong dalaga pa ako. Sa kati-kati, I recommend Canesten cream. Nitong nagbuntis ako, hindi ako tinigilan ng ringworm (buni) sa legs. Malinis naman ako sa katawan and very rarely dapuan ng skin disorders pero nitong nagbuntis ako sobrang naging sensitive ang skin ko. I found Canesten very effective at mabilis magpagaling ng skin. Hindi ako endorser ha? 😅✌️ Charot. Also, keep your singit dry -- as in kapag nagpawis, punasan or better yet, hugasan mo na at patuyuin maigi. Namamahay kasi ang bacteria at fungi sa moist na skin. Sana makatulong!
Đọc thêmLagyan mo momshie ng katialis every morning saka bago ka matulog sa gabi then kapag sa umaga kuha ng konting toothpaste then ayun ipanghugas mo with warm water. Effecttive yun sis malamig yun then para di sya mairritate magsuot ka ng maluwag na panty or kapag gabi short ka nalang sa morning ka magpanty para di lalo magasgas. Nagkaganyan din ako and ayan yung mga ginamit ko para magamot.. Saken lang naman ah 😅
Đọc thêmTry mo po yung feminine wash na gynepro. Meron sa mercury drug stores. Pero 2x mo lang sya gagamitin. Umaga and gabi. Then kung di mo po maiwasan mag undies, gamit ka po ng loose and cotton undies. Make sure na magpapalit kayo more often lalo na pag matutulog. Naiirritate kasi yung skin po. Sana makatulong. :)
Đọc thêmSuot ka po maluwag na panty, tapus pag gabi wag kana mag panty. Kasi ako ganun ginawa ko. Tapus lagi ka lang mag huhugas nang mild soap advice din sakin nang ob ko. Ngayon hindi na siya makati. Pero maitim pa din 😂. Dahil lang daw sa pag bubuntis yun kaya nangitim pati leki leki ko.
Ganyan din sakin 35 wks preggy here.. Warm water with salt lang po mamshie sa gabi di ako nagpapanty pinatutuyo ko muna. Tsaka wag rin pp feminine wash or sabon sa private area. Water lang. As of now nawala yung ganan q. Makati talaga iritable di mapakali pagmay ganyan. Hehe try mo sis.
Bakit kailangan pa ipost to? Alam naman namin mag search sa Google kung anong itsura nyan? 🤦🏻♀️ Gumamit ka ng Dr. Kaufmann ung dilaw. Tapos clotrimazole na cream thrice a day. Keep your inner thighs dry all the time. Avoid tight clothing
Safe po sa preggy ang clorinazole mam gnyan din kasi skn sobrang kati lalo sa gabi at kumakalat sulfor soap dn gmit ko na yellow pero dina tinatablan kailngan na ng cream pang pahid tlga
Try nyo po sulfur ointment. Pero ask your Ob muna baka di recommended. Mahapdi sya pero atleast di kakalat. Then yung mga underwear tska mga pang ilalim nyo po labhan nyo po mabuti para po di na po kumalat :)
pacheck m po kay ob, nagkaroon po aq gabyan niresetahan aq ng cream at may inom po, galing po agad, nalala po kse yan pag daw napabayaan, yun cream po d nbbli ng walang reseta effective po medyo magal nga lng po.
clotrimazole candibec cream po
Nagkaroon din ako nyan minsan nga dalawang singit pa...bl lang ang nilalagay ko nawawala din agad tapos wag ka muna mag papanty pede mo din lagyan ng jhonson powder para hindi pagpawisan singit mo
Masama dw po johnson powder mlpit s pwerte. Ingat po sa pglagay..it may.cause cancer dw po.
ung pag itim ng singit sa damu ng nabasa ko sis normal daw pag buntis.. wag kana mag panty momsh pag nasa bahay kalang. ung maluluwag n short lang gmtim mo para makasingaw at hinde mapawisan.
Mum of 3 rambunctious prince