PALIT OB
Mga mommy, bigyan nyo nga po ako nang tips. Gusto ko po kasi lumipat nang OB kasi hndi po ako satisfied. Nahihiya po kasi akong hingin old record ko sakanya. Ano po maisusuggest niyo? TIA! PS. 24 weeks and 5days today.
nung nag palit ako ng ob hindi na ako bumalik sa kanya, dertxo na ako 😅 pero yung bago kung ob vitamins lng tinanung sa akin hindi nagtanong sa records ko kumbaga moving forward na kami.... Kung nhihiya ka sa ob kunin yung records,, dun sa new ob mo sabihin mo nlng na na wala ang records mo.... Or Isip kpa ng ibang paraan....or be honest sa new ob mo na nagpalit k ng ob at hindi muna nkuha ang records mo. Maiintindihan din nila yan..... 👍
Đọc thêmPwede ka naman magpalit eh ako nga dati sa hospital ako nagpacheck up. Diko na kinuha record ko dun mas maganda pa check up sa health center mas naaassist ako eh at ang bait pa ni doc unlike sa hospital susungit ng doctor.
No need munang hingin ung old record ng ob mu nw sis, kc sa knya un,, kung lilipat ka ipakita mulang sa lilipatn mung ob ung maternity booklet mu tapos ung mga naging laboratory mu sis if nkpg laboratory kna...
Pwedeng pwede ka magpalit lalo na kung hindi ka talaga secured and satisfied sa service ng health care provider mo. Hingiin mo lang ng casual, sabihin mo gusto mo lang ng copy for personal purposes.
ako din lilipat ako ng OB kinuha ng mister ko lahat ng record ko sa kanya. Bibigay naman nila yun sabihin mo lang need sa center kase hinihingan ng mga result 😂 wag mo nalang sabihin lilipat ka
no need namn momsh, iinterviewhin ka rin nmn ng new ob mo. Den, kng my mga laboratories result ka po na hawak, ipakita nyu po. Kung wala, mgsusugest nman po c new ob na magpalaboratory kyo
aki momshie 2 naging ob ko san san ako nagpapa check up..,okay lng nmn pag gusto mo lumipat, mgsabi k lng..s ob mo, mas mganda kung san k komportable, para s mga babies nmn ntn yan..
ako mumsh di na ako bumalik sa dating dalawang OB ko. hindi ko na rin hiningi records ko tapos di ko sinabi na may OB na ako. sa pangatlong OB ko na kasi ako na-satisfied eh.
No need sa record mo. Basta nasayo yung mga result nung mga test na pinagawa sayo tsaka yung ultrasound mo. Pwede kang magpalit ng OB. Ako nga nun nakatatlong OB ako eh.
Ask lang po 16week po magalaw na b dapat si baby sakin kasi nd ko ramdam na gumagalaw? Plss answer me?
sa FTM 18-25 weeks start po maramdaman talaga si baby, pero sa ganyang stage pitik pitik mararamdaman mo na po 😊
Excited